Francine Diaz naisipan na ring magdyowa: ‘Pero iniisip ko lagi na it’s better talaga to focus muna on my career at sa sarili ko’

Francine Diaz naisipan na ring magdyowa: 'Pero iniisip ko lagi na it’s better talaga to focus muna on my career at sa sarili ko'

Seth Fedelin at Francine Diaz

MAY mga pagkakataon na naiisip din ng Kapamilya young actress na si Francine Diaz kung ano kaya ang mangayari sakaling magkaroon na siya ng boyfriend.

Naniniwala ang dalaga na talagang magbabago ang takbo ng buhay niya pati na ng kanyang showbiz career kapag pumasok na siya sa isang seryosohang relasyon.

Pero ayon kay Francine, mas matimbang pa rin sa kanya ang mag-focus muna sa pagtatrabaho kesa magkaroon ng boyfriend lalo pa’t sunod-sunod ang mga projects na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN.


“I mean, siyempre, in some point, naisipan ko na rin po ‘yan, na magkaroon ng boyfriend, but iniisip ko parati na it’s really… it’s better talaga to focus on my career and on myself,” paliwanag ni Francine.

Sa nakaraang presscon at special screening ng bago nilang digital series ni Seth Fedelin, ang “Fractured” ay natanong nga ang magka-loveteam tungkol sa estado ng kanilang relasyon dahil ang paniwala nga ng ilang fans ay may MU o mutual understanding na sila.

In fairness, nagpakatotoo naman ang Kapamilya loveteam sa pagsasabing espesyal sila para sa isa’t isa pero wala pa raw talagang nagaganap na ligawan sa pagitan nila.

Diretsahang sinabi ni Francine na “very boyfriend material” daw si Seth at isa ang aktor sa mga taong nagpapasaya sa kanya ngayon.

Sey naman ni Seth, pinapasaya rin siya ni Francine at hindi lang daw ito basta girlfriend material kundi wife material din dahil bukod sa napakasipag na at isang totoong tao ay napakabait pa nito at maalalahanin.

Baka Bet Mo: Francine sa tanong ni Seth kung bukas o sarado sa pakikipagrelasyon: ‘Kapag kumatok ang pag-ibig hindi naman tayo maramot, pero trabaho po muna’

Pero nilinaw nga ng aktor na hindi pa niya nililigawan si Francine at kung sakaling mag-decide na siyang pormahan ang dalaga, ang una muna niyang susuyuin ay ang nanay nito.


Isa raw sa mga qualities na nagustuhan ni Seth kay Francine ay marunong daw itong makinig at never siyang hinusgahan. Para naman sa aktres, ang pagiging “cheezy” ni Seth ang gustung-gusto niya.

Samantala, pagkatapos nga ng super successful series nilang “Dirty Linen” ay muli silang bibida sa iWantTFC original series na “Fractured” na ibang-iba sa lahat ng projects na ginawa nila in the past.

At good news uli para sa kanilang mga fans, after ng “Fractured” ay may isa pa silang gagawing bagong project.

BTW, masama rin nila sa mystery-thriller series na “Fractured” sina Kaori Oinuma, Jeremiah Lisbo, Daniela Stranner, Raven Rigor, at Sean Tristan na mapapanood na nang libre simula Setyembre 15 (Biyernes) sa iWantTFC app at sa YouTube channel ng iWantTFC. May bagong episode na ipapalabas tuwing Biyernes, 8 p.m..

Ina ni Francine tinalakan si Andrea: Wag mong piliting maubos ang pasensya ko, magkakaalaman tayo!

Francine pinatunayang may himala, mala-eksena sa pelikula ang pinagdaanang hirap ng pamilya

Read more...