Magaling na host ubos oras sa pagte-taping

Magaling na host ubos oras sa pagte-taping dahil madalas mag-power nap; Geneva Cruz, Paolo Santos, Jazz Almonacid may fundraising concert sa Sept. 24

Reggee Bonoan |September 11,2023
facebook
share this

Magaling na host ubos oras sa pagte-taping dahil madalas mag-power nap; Geneva Cruz, Paolo Santos, Jazz Almonacid may fundraising concert sa Sept. 24

Reggee Bonoan - September 11, 2023 - 05:14 PM

LUKANG-LUKA ang production staff ng isang programa dahil ang main host nila ay humihingi ng nap time sa tuwing matatapos ang taping nila para sa isang episode.

Kwento ng aming source, “sa taping kasi ng (programa) inaabot ng gabi kasi siyempre inaabot ng ilang episodes ‘yung tine-tape para may bangko in case na magkaroon ng aberya na hindi nakapag-taping lalo na kung sobrang busy ng host at ng ibang kasama niya.”

“E, naloloka lang ang staff kasi every taping ng one eps, humihingi ng isa o dalawang oras, mag power nap lang daw siya (host), so, nauubos ‘yung oras imbes na tuloy-tuloy sana di ba, e, hindi waiting galore kung anong oras gigising,” patuloy pa.

Chika pa ng source, “In fairness mahusay naman talaga siyang host, kaya lang ngayon lang daw nalaman ng mga staff na ganito ang istilo ni (host) kasi ‘yung ibang naka-work na mas sikat ay walang ganitong senaryo, mas gusto tuloy-tuloy para matapos ng maaga at makauwi agad. E, si (host), sarap na sarap matulog sa dressing room niya kasi sobrang lamig hahahaha.”

Baka Bet Mo: Andrew Schimmer humihingi ng tulong para sa asawang nasa ICU, hospital bill nasa P3-M na

Inisip namin na baka kasi early riser ang host kaya nakakaramdam na siya agad ng antok kapag nakapag-work na at in fairness magaling siya dahil ang taas ng energy lagi.  Sana magtagal ang show niya dahil maganda ang feedback.

At bago naming matapos sulatin ang balitang ito ay ganito raw pala talaga ang ugali ng host kahit sa ibang projects niya, kailangan niya ng isa o dalawang oras na power nap.

***

Paki ng aming pinsang si Rowena Sales Salonga na may fund-raising project sila para sa aming pinsang isang buwan nang naka-confine sa Intensive Care Unit ng VRP Medical Center sa EDSA dahil sa kidney failure at hindi matuloy-tuloy na operasyon dahil hindi nawawala ang lagnat.

Ang nasabing fund raising project ay may titulong “Handog Ng Pag-asa Para Kay Nani (A Night of Music & Dance)” na gaganapin sa Setyembre 24, Linggo sa ganap na 7PM sa Janealo Bay Cafe South Drive Cor. Roxas Blvd., Manila (across Rizal Park Hotel)

Ang guest performers ay sina Geneva Cruz,  Ito Rapadas & Jimmy Antiporda of Neocolours, Marc Velasco, Nino Alejandro, Paolo Santos, & Friends Opening acts: Lady Mae Martinez The Red Orange Band

Ticket Price: P1,500.00 with 1 free drink For inquiries : 09178286113 (Don) 09637996731 (Jiane).

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jennica Garcia namroblema sa birthday wish ng anak, naghahanap ng kabayo?

Vice Ganda namigay ng P300,000 sa ‘Showtime’ staff: Sobrang mahal na mahal ko ‘tong mga ‘to

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending