Zeinab nahirapan sa first-ever acting project

Zeinab nahirapan sa first-ever acting project: Talagang puyat-puyat ako rito, hinati-hati ko na ‘yung katawan ko…

Pauline del Rosario |September 11,2023
facebook
share this

Zeinab nahirapan sa first-ever acting project: Talagang puyat-puyat ako rito, hinati-hati ko na ‘yung katawan ko…

Pauline del Rosario - September 11, 2023 - 02:54 PM

Zeinab nahirapan sa first-ever acting project: Talagang puyat-puyat ako rito, hinati-hati ko na ‘yung katawan ko…

PHOTO: Instagram/@zeinab_harake

FINALLY! Masisilayan na rin sa big screen ang social media influencer na si Zeinab Harake.

Binigyan na kasi siya ng first-ever acting project matapos sumabak sa ilang acting workshops.

Tampok si Zeinab sa horror thriller film at isa sa official entries ng upcoming Metro Manila Film Festival (MMFF) na pinamagatang “(K)ampon” na pinagbibidahan nina Beauty Gonzales at Derek Ramsay.

Inamin ng vlogger na nahirapan siya sa pelikula at iniyakan pa nga raw niya ito.

“Sobrang hirap niya, talagang umiiyak ako para sa preparation nitong movie,” sey niya matapos makapanayam ng ilang miyembro ng entertainment press.

Chika niya, “Hindi naman ganun kababad ‘yung part ko doon pero the way na ineffortan siya ng management ko at ng sarili ko.”

“Talagang puyat-puyat ako rito, hinati-hati ko na yung katawan ko rito para lang mapaghandaan ko yung project na ‘to,” paliwanag niya.

Baka Bet Mo: Zeinab Harake feeling lucky kay Bobby Ray Parks: ‘Malay ko bang seryoso ‘tong kumag na ‘to…hindi lang ako love niya, pati kids’

Ayon pa kay Zeinab, talagang bigay na bigay siya sa kauna-unahan niyang pelikula dahil ayaw niyang madismaya ang mga sumusuporta sa kanya.

“Kasi, ayaw ko nga pong may mapahiya na mga taong naniniwala sa akin,” sambit ng vlogger.

Patuloy niya, “Sila talaga ‘yung tinitingnan ko. Ayaw kong ma-disappoint ‘yung mga taong naniniwala pa rin sa akin na may kaya naman talaga akong ibuga.”

Nabanggit din ng content creator na matagal nang may lumalapit na offers sa kanya, pero tinatanggihan lang daw niya ito dahil wala pa raw siyang tiwala noon sa kanyang sarili.

Nakwento rin ni Zeinab na ilang beses na siyang sumubok sa showbiz bago pa siya maging vlogger, ngunit lagi raw siyang hindi nakakapasa sa auditions.

“Noong pinasok ko ang vlogging, maraming doors na nag-open. Two years nga akong hindi talaga tumatanggap ng any project sa showbiz,” saad niya.

Dagdag ng socmed star, “Thankful naman ako. Hindi sa maarte ako, alam ko lang that time na hindi ako sigurado. Ayaw ko naman sumugal ng hindi ako sigurado.”

“Ngayon kasi, alam kong kaya ko na siyang mapaghandaan, kaya ko na siyang panindigan,” ani ni Zenab.

Kung maaalala, inamin ni Zeinab sa naging interview with King of Talk Boy Abunda na desidido na siyang pasukin ang mundo ng showbiz.

Ilan lamang sa naging paghahanda niya ay ang pagpasok sa acting workshop ni Ana Feleo.

Ibinunyag rin niya kay Tito Boy na ang talent agency na Aguila Entertainment ang kasalukuyang nagma-manage ng kanyang karera sa showbiz.

Nangako pa nga noon si Zeinab na gagawin niya ang kanyang makakaya sakaling mabigyan ng proyekto.

“Ang gusto ko lang, ma-portray ng maayos ‘yung ibabato sakin dahil ayoko pong makaabala, ayoko maging sakit sa ulo kahit kanino,” sey niya.

Aniya pa, “Gagawin ko po kung ano ang kaya ko at gagawin ko talaga ‘yung pinaka best ko para walang mapapahiya.”

Related Chika:

Janelle Tee hindi kering rumaket bilang escort girl: I don’t think I will survive that kind of a job

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angeli Khang hubad kung hubad sa ‘Eva’: Lahat ng klase ng sex scenes, masasaksihan n’yo rito!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending