Angeli Khang hubad kung hubad sa 'Eva': Lahat ng klase ng sex scenes, masasaksihan n'yo rito! | Bandera

Angeli Khang hubad kung hubad sa ‘Eva’: Lahat ng klase ng sex scenes, masasaksihan n’yo rito!

Ervin Santiago - December 05, 2021 - 08:02 AM

Angeli Khang

MARAMING pumuri sa baguhang sexy star na si Angeli Khang sa original Vivamax sex-drama movie na “Mahjong Nights” kung saan nakipagtagisan din siya ng akting sa veteran actor na si Jay Manalo.

At dahil nga sa success ng nasabing pelikula, agad siyang binigyan ng follow-up project ng Viva kung saan siya na ang nasa title role — ang bagong erotic film na “Eva” sa direksyon ng singer-actor na si Jeffrey Hidalgo.

Ito rin ang magsisilbing Christmas offering ng Vivamax dahil mismong sa araw ng Noche Buena, Dec. 24, ito ipalalabas sa Vivamax.

Sa nakaraang virtual mediacon ng “Eva”, inalarawan ni Angeli ang pagkakaiba nito sa “Mahjong Nights” at sa una niyang movie na “Taya”?

“Naku, sobrang iba ito sa ‘Taya’ and ‘Mahjong Nights’. Si Eva kasi rito, naghahanap ng sexual awakening at naging all-out sa pagpapakita ng kakayahan sa kama. Hindi lang sa lalaki, kundi pati sa babae at sa lahat na.”

“Masasabi kong mas all out itong ‘Eva’ kaysa sa ‘Mahjong Nights’ at sa ‘Taya’. Kasi, lahat ng klase ng sex scenes, masasaksihan n’yo rito. Smorgasbord siya at kapag na-meet n’yo na si Eva, you’ll never forget her,” diin pa ni Angeli.

Aminado naman ang dalaga na kahit ilang beses na siyang nakipag-love scene sa movie ay inaatake pa rin siya ng matinding hiya at nerbiyos. 

“Yes po, up until now, may kaba pa rin ako. Nahihiya pa rin ako. Kahit ready na ako sa set at sa eksena, nandu’n pa rin ang kaba kung kaya ko bang gawin ang gustong ipakita ni direk Jeffrey Hidalgo. But ang saya ng feeling ko kapag sinabi niya, ‘good job, Angeli.'”

“Si direk kasi, very approachable kaya di ka mahihiyang magtanong para mae-explain niyang mabuti ang lahat ng dapat mong gawin sa eksena. Very encouraging siya, very patient kasi alam niyang mga baguhan kami. We can feel his respect for us,” sabi pa ng sexy star.

Naging madali rin daw ang lahat para sa kanila sa lock-in shooting dahil naging parang pamilya na rin silang lahat.

“Masaya lahat ng mga katrabaho ko rito, pati si direk. Lalo sina Sab Aggabao at Marco Gomez na naka-threesome ko rito, saka sina Ivan Padilla, Quinn Carillo at Angelica Cervantes. 

View this post on Instagram

A post shared by Angeli Khang (@angelikhang_)


“Very comfortable ako sa kanilang lahat, kaya naging madali ang trabaho. Day one pa lang, naging friends na kaming lahat ng co-stars ko. Naging close kami during the lock in shoot,” sabi ni Angeli.

Aniya pa, “Parang pamilya kami, kaya nga pagdating sa bedscenes, madali na for us all to relate with each other. Nagtatawanan pa kami, nagkukuwentuhan, nag-aabutan ng tuwalya, ng mga saplot to cover us after the take.

“Kaya when the shooting ended we all felt sad na maghihiwalay na kami. So I just hope to get the chance to work with them all again in future films projects,” chika pa ng aktres na talagang palaban sa hubaran.

https://bandera.inquirer.net/295502/angeli-khang-bibida-sa-mahjong-nights-suportado-ng-ina-sa-pagpapa-sexy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/298056/angeli-khang-may-hamon-kay-xian-gaza-hindi-ako-marites-pero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending