Issa Pressman gumaling na matapos operahan sa vocal cord, ibinandera ang pag-aalaga ni James Reid
“I AM fully healed!”
‘Yan ang latest update ng aktres at recording artist na si Issa Pressman matapos siyang operahan sa vocal cord kamakailan lang.
Sa pamamagitan ng Instagram, Ibinandera ni Issa ang ilang litrato ng kanyang healing journey.
Makikita rin na kasama niya sa pictures ang boyfriend na si James Reid na halatang inalagaan siya habang nagpapagaling.
“Been hiding in my little cave.. now I can say, once again, I am brave,” wika niya sa post.
Sey pa niya, “All the blacks and grays will fade, all my colors are coming back. I am fully healed…my doctor yesterday cleared me.”
Hindi pa handang ikwento ni Issa ang nangyari sa kanya, pero ang mahalaga ay gumaling na siya at siya raw ay labis na natutuwa.
“I’ll share my story next time but now I just want [to] sayyyyyy that I have healed…physically, mentally, emotionally and spiritually (but still putting the work in everyday),” lahad niya.
Ani pa niya, “Been saying ‘I am healing’ now i’m sayinnnn ‘I am Happy’.”
View this post on Instagram
Mababasa sa comment section na tuwang-tuwa rin ang kanyang kapatid na aktres na si Yassi Pressman at sinabing, “i’m so happy you’re final okay [crying face, red heart emojis].”
Ilan pa sa mga nagkomento sa nasabing IG post ay ang batikang aktres na si Iza Calzado, at ang kapatid ni James na si Lauren Reid.
Noong nakaraang buwan lamang nang inamin ni Issa na sumailalim siya sa isang operasyon para ipatanggal ang bukol o cyst sa kanyang vocal cord.
At kaya raw ito ipinost ng recording artist ay upang ipaalam na agad sa publiko sakaling makita siyang tahimik at hindi nakikipag-usap.
“I’m just posting this video to let everyone know that if in case you see me sitting in the corner, not being sociable, or just being quiet and not talking at all, that’s just because I am healing from an operation,” saad ni Issa.
Dahil daw sa operasyon ay pinagbawalan siya ng doktor na magsalita, pati na rin kumanta.
“By the time that I upload this video, it’s already out and I’m already not allowed to talk for two weeks and I’m gonna be on vocal rest and vocal rehab for three months,” paliwanag niya.
Related Chika:
Morissette Amon napabilib ang vocal coach na si Tara Simon sa pagkanta ng ‘Gusto Ko Nang Bumitaw’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.