Huwag itulad sa tao ang Diyos | Bandera

Huwag itulad sa tao ang Diyos

- August 10, 2010 - 05:09 PM

Target ni Tulfo by Mon Tulfo

MAY susog na isama ang safe and legal abortion sa Reproductive Health Bill na nakapending ngayon sa Kamara de Representantes.
Nakabimbin ang panukalang batas sa Kamara dahil sa lobby ng Simbahang Katolika na huwag ipasa ang RH Bill.
Sang-ayon ang inyong lingkod na isama ang safe and legal abortion sa RH Bill dahil sa kapakanan ng mga kababaihan.
Ang aking pagsang-ayon ay dala ng aking karanasan bilang host ng aking public service program, “Isumbong mo kay Tulfo” tungkol sa mga rape victims.
May isang 13-anyos na rape victim na sinamahan ng kanyang ina sa aking tanggapan sa DWIZ mga ilang taon na rin ang nakararaan.
Ang bata ay hinalay ng kanyang sariling ama at siya’y nagdadalantao na.
Nakita at naramdaman ko ang pagdadalamhati ng mag-ina. Alam kong magkakaroon ng malaking kapansanan ang sanggol kapag ito’y iniluwal na.
Sinabi ko sa bata at sa kanyang nanay kung ano ang kahihinatnan ng isang sanggol na bunga ng incest.
Mga ilang taon na bago pumunta ang mag-ina sa aking tanggapan ay meron akong nakausap na isang babae na hinalay din ng kanyang ama at nagkaanak siya ng dalawa.
Ang mga bata, na dinala ng ina sa aking tanggapan noon sa Radyo Veritas, ay mga abnormal.
Nag-aalinlangan ang 13-anyos na bata na ipalaglag ang fetus dala siguro ng mother’s instinct.
Pero ang ina ng bata ay buo na ang isipan na dapat ay ipalaglag ang fetus dahil naaawa siya sa kanyang magiging apo.
Tinanong ko ang kaibigan kong abogado hinggil sa legal consequences. Sinabi sa akin na bawal sa batas ang abortion kahit na ang bata sa sinapupunan ay produkto ng incest.
Sinabi ko ito sa mag-ina, pero iginiit ng nanay na dapat ay ipalaglag at humingi sa akin ng tulong.
Matagal akong nag-isip. At nag-isip. At nag-isip.
After some minutes, I decided to call my doctor-friend who prescribed a medicine for the 13-year-old girl that would induce abortion.
Ipinadala naman ng aking kaibigang doktor ang prescription. Ibinigay ko ito sa magulang ng bata.
Sinabi ko sa mag-ina na kapag nagkaproblema sa kalusugan ng bata ang prescribed medicine ay bumalik sila sa akin at ako na mismo ang magdadala sa bata sa ospital.
Sa kabutihang-palad ay walang problema ang ibinigay na gamot sa bata.
Ngayon, itatanong ninyo: Do I feel guilty na naging kasangkapan ako sa abortion?
Hindi po.
Baka nakunsensiya pa nga ako kung hindi ko tinulungan ang bata na dumulog sa akin.
Kung ipinanganak yung sanggol ay tiyak na malaki ang kapansanan nito at hindi kaya ng ina ang pangungutya sa kanya ng mga kaedad niyang mga bata.
Ang nakikinita ko ay ang pagpapabaya sa sanggol ng kanyang batambatang ina dahil sa kutya ng mga kalaro at kaeskuwela.
Mabuti pang di ipinanganak ang sanggol kesa magdusa ito sa mundo dahil sa kanyang kapansanan at kapabayaan ng ina.
Di ko ba naisip na kasalanan sa Diyos ang aking ginawa?
Sa aking pananaw, ang Diyos ay hindi nanghuhusga.
Huwag nating itulad sa tao ang Diyos.
* * *
Ayaw ng Simbahang Katolika ang RH Bill dahil pagkitil daw sa buhay ng sanggol ang paggamit ng birth control pills at ibang pamamaraan ng birth control gaya ng condom.
Paano kinikitil ang isang buhay na hindi pa nabubuo?
Ibig bang sabihin na kapag ang lalaki ay nag-masturbate ay kinikitil niya ang buhay ng isang sanggol dahil ang kanyang semilya ay magiging sanggol?
Hindi pagiging pilosopo ang sinabi ko dahil ganoon ang pananaw ng Simbahan sa birth control pills at condom.

Bandera, Philippine news at opinion, 081010

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending