Snooky Serna nag-init ang ulo kay Pura Luka Vega; gustong sabunutan ni Jobert Sucaldito | Bandera

Snooky Serna nag-init ang ulo kay Pura Luka Vega; gustong sabunutan ni Jobert Sucaldito

Ervin Santiago |September 04,2023
facebook
share this

Snooky Serna nag-init ang ulo kay Pura Luka Vega; gustong sabunutan ni Jobert Sucaldito

Ervin Santiago - September 04, 2023 - 07:10 AM

Snooky Serna nag-init ang ulo kay Pura Luka Vega; gustong sabunutan ni Jobert Sucaldito

Jobert Sucaldito, Pura Luka Vega at Snooky Serna

APEKTADO rin ang veteran actress na si Snooky Serna sa ginawang panggagaya ng drag queen na si Pura Luka Vega kay Jesus Christ sa isang viral performance nito.

Talagang nag-init daw ang ulo ng premyadong aktres nang mapanood ang drag art performance ni Pura Luka na nakasuot ng damit ni Hesukristo gamit ang remix ng kantang “Ama Namin”.

Isa si Snooky sa libu-libong Katolikong Pinoy sa mga kumondena sa ginawa ng drag queen na naging dahilan din para ideklara siyang “persona non grata” sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Sa isang vlog kung saan nakasama niya ang entertainment writer at concert producer na si Jobert Sucaldito, inilabas ng aktres ang kanyang saloobin hinggil sa pambabastos umano ni Pura sa Simbahan at sa Panginoong Hesukristo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Snooky Serna (@snookysernaofficial)


“Umiinit ang ulo ko diyan, Tito Jobert. Nati-trigger ako rito kay Pura Pura na ‘to,” pahayag ni Snooky.

Ganu’n din daw ang naramdaman ni Jobert nang mapanood ang performance ni Pura Luka Vega. Sa katulad gusto raw niya itong sabunutan.

“I hope it doesn’t happen again. It doesn’t happen again, because you know, ako, I’m a devoted Catholic kasi ako eh, gusto kitang sabunutan actually, gusto kitang sabunutan.

“I hope maisip mo ito, though ang katwiran mo eh, wala ka namang intensyong paglaruan, pero please, maraming bagay na puwede mong gawin. Pura Luka Vega, God bless you,” ang pahayag ni Jobert.

Baka Bet Mo: Snooky Serna muntik nang layasan ang showbiz dahil sa bashers: Hindi ako palaban lalo na noon

Sey naman ni Snooky bilang paalala sa drag artist, “Marami ka pang time anak to…I hope in your life, feel the love and forgiveness of God in your life.”

Sadyang iniba na ni Snooky ang topic nila ni Jobert dahil parang umiinit na naman ang ulo niya at sumasakit na rin ang kanyang dibdib dahil sa nasabing isyu.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Snooky Serna (@snookysernaofficial)


Mahigit 10 na ang mga lugar na nagdeklara kay Pura Luka ng “persona non grata” matapos kastiguhin ng mga deboto ng Itim Na Nazareno at ng ilang opisyal ng Catholic Church.

Sa isang video, matapang na sinabi ni Pura na wala siyang pakialam kung madagdagan pa ang listahan ng mga lugar na bawal na niyang puntahan.

Kasunod naman nito, nanghingi siya ng tulong pinansiyal mula sa mga netizens para raw may magastos siya sa pagharap sa mga kasong isinampa laban sa kanya ng ilang grupo.

Jobert Austria nagalit kay Lord noon: Sabi ko, patayin mo na ako…hindi ka ba naaawa sa akin?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Snooky binastos ng katrabahong aktres, hirit ni Maricel: ‘Sana sinampal mo!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending