Kuya Kim inakalang pumanaw na rin dahil sa black and white photo nila ni Mike Enriquez: 'Di po ako namatay...' | Bandera

Kuya Kim inakalang pumanaw na rin dahil sa black and white photo nila ni Mike Enriquez: ‘Di po ako namatay…’

Ervin Santiago - September 04, 2023 - 07:01 AM

Kuya Kim inakalang pumanaw na rin dahil sa black and white photo nila ni Mike Enriquez: 'Di po ako namatay...'

Mike Enriquez at Kim Atienza

TAWA kami nang tawa sa naging reaksyon ng mga netizens sa ipinost na litrato ng Kapuso TV host na si Kim Atienza kasama ng yumaong broadcaster na si Mike Enriquez.

Nailibing na ang labi ni Mike kahapon, September 3, sa Loyola Memorial Park, Marikina City makalipas ang ilang araw na burol nito sa Christ The King Parish Church sa Greenmeadows, Quezon City.

Pero habang ipinagluluksa pa rin ng pamilya at ng buong broadcasting industry ang kanyang pagpanaw, may mga netizens pa rin ang nakuha pang magbiro at mag-joke-joke-joke sa pamamagitan nga ng Facebook post ni Kuya Kim.

Nag-post kasi ang TV host sa kanyang social media account ng old profile picture niya noong unang pasok niya sa “24 Oras” ng GMA matapos magpaalam sa “TV Patrol” ng ABS-CBN.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dito, inalala ni Kuya Kim kung paano siya winelkam ni Mike bilang isa sa mga main anchors ng GMA “24 Oras” kalakip nga ang black and white photo nila na naka-split screen. May hawak siyang maliit na buwaya sa nasabing photo na ginawa niyang profile picture noong August 30.

Ang caption ni Kuya Kim, “My first day in 24 Oras 2 years ago. It was Booma (tawag kay Mike ng kanyang mga katrabaho) who welcomed me. I’ll never forget.”

At dahil nga Black and white ang litrato, inakala ng ilang netizens na pumanaw na rin si Kuya Kim. Sa katunayan, may mga naiyak pa nga at nag-“Rest In Peace” sa dalawang Kapuso host. Narito ang ilang comments na nabasa namin sa FB post ni Kuya Kim.

Baka Bet Mo: Gary V, Jaya, Kaladkaren nakiramay sa pagpanaw ni Mike Enriquez, Igan nagluluksa rin: ‘Sabi mo, walang iwanan! Ang daya mo!’

“RIP rin po Kuya Kuya Kim Atienza. Nagulat ako.”

“Rest in paradise sir mike & kuya kim.”

“RIP SIR MIKE AND KUYA KIM.”

“Rest in paradise mike enriquez pati ba c Kuya Kim?”

“Kuya kim, muk’ang gusto mo din makisabay.”

“Jusko kuya kim ayusin mo nman kinabahan kami lahat.”

“Gagi mga to kala ko tuloy ..sorry po kuya kim. yung ibang comment kasi.”

“Kuya Kim. bat mo naman dinamay sarili mo?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi sa lahat ng bagay dapat damay-damay.”

“Grabe ka kuya kim pinakaba moko.”

At dahil sa dami ng mga nag-akalang namatay na rin siya, nag-post siya uli ng colored profile pictures na kasama pa rin si Mike. Aniya sa caption, “Di po ako namatay.”

“Welcome back” naman ang karamihan sa nagkomento sa kanyang follow-up  post na natuwa sa muli niyang “pagkabuhay.”

“Maligayang pagkabuhay Kuya Kim.”

“Finally… Masaya ako at nakabalik ka na kuya kim… Maligayang pagkabuhay.”

“Ganyan talaga Ang buhay kuya Kim weather² lang.. welcome back.”

“Binuhay ni kua kim si sir mike. Dinala ulit nya dito sa lupa.”

“Salamat Kuya Kim Atienza Buhay ka God bless always. condolences to the bereaved family Idol sir Mike Enriquez.”

“9 ang buhay ni Kuya Kim hindi yan basta basta namamatay ng ganun ganon lang.”

Yan ang ilan sa mga comments ng FB followers ni Kuya Kim.

Pumanaw si Mike habang nasa ICU ng St. Luke’s Medical Center, sa Quezon City, noong August 29, sa edad na 71.

Susan Enriquez sa pagpanaw ni Mike Enriquez: Parang iniisip ko, fake news na naman ito

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

GMA nagluluksa sa pagpanaw ni Mike Enriquez, Mel Tiangco napaiyak: ‘His dedication to the industry will serve as an inspiration to all’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending