Lamay para sa namayapang Mike Enriquez bubuksan sa publiko

Lamay para sa yumaong local news icon na si Mike Enriquez bubuksan sa publiko sa Sept. 2

Pauline del Rosario - September 01, 2023 - 09:24 AM

Lamay para sa yumaong Mike Enriquez bubuksan sa publiko sa Sept. 2

PHOTOS: Facebook/GMA Public Affairs

SIMULA sa Sabado, September 2, may pagkakataon ang mga tagahanga na masilayan ang mga labi ng yumaong veteran newscaster at local news icon na si Mike Enriquez.

Gaganapin ang public viewing sa Christ The King Parish sa Greenmeadows, Quezon City simula 8:30 a.m. hanggang 3:00 p.m., ayon sa Facebook post ng GMA News.

Panawagan pa nila sa mga bibista, “Imbes na bulaklak, maaaring mag-donate ang mga nakikiramay sa Kapuso Foundation.”

Baka Bet Mo: Susan Enriquez sa pagpanaw ni Mike Enriquez: Parang iniisip ko, fake news na naman ito

Noong August 29 nang sumakabilang-buhay si Mike sa edad na 71.

Walang binanggit kung ano ang naging sanhi, pero namatay ang bataking journalist habang naka-confine sa intensive care unit (ICU) ng isang private hospital.

Maliban sa pagiging news anchor sa flagship newscast ng GMA 7 na “24 Oras,” si Mike ay host din ng radio program na “Saksi sa Dobol B,” pati na rin ng tinaguriang “Sumbungan ng Bayan” na “Imbestigador.”

Naging consultant din siya for radio operations ng GMA Network at presidente ng regional and radio subsidiary na RGMA Network Inc., at Station Manager ng Super Radyo DZBB.

Nakatanggap din si Mike ng napakaraming awards bilang isang news anchor.

Kabilang na riyan ang 10 Best Newscaster sa Star Awards for TV  Philippine, Lifetime Achievement Award, Best Newscaster award at the Asian Television Awards (Singapore, 1999), gold medal sa New York Festivals (2003 for Saksi), at Silver Camera Award sa 2004 US Film and Video Festival in Hollywood para sa kanyang documentary tungkol sa Iraq.

Bukod diyan, itinanghal din siya bilang 1999 Golden Dove Awards Best Male Newscaster at 1999 Ka Doroy Valencia Broadcaster of the Year Award.

Kilala rin si Mike bilang “Booma” sa industriya ng pamamahayag. 

Siya rin ang nagpasikat sa mga katagang, “Excuse me po!”, “Hindi ko kayo tatantanan!”, at “Naloko na!” na kairaniwan niyang nababanggit kapag siya’y nagbabalita.

Magugunitang ilang beses nagpaalam si Mike sa TV network upang magpagamot.

Kabilang na riyan ang kanyang sakit sa puso kung saan sumailalim siya sa isang bypass procedure noong 2018, nagkaroon din siya ng kidney transplant noong nakaraang taon.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaladkaren emosyonal sa pagiging unang trans newscaster sa Pinas: ‘Sana mapanood ito ng mga batang katulad ko’

PBBM nagbigay-pugay kay Mike Enriquez: ‘He dedicated his life to delivering unbiased news’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending