AMY PEREZ benggador, binaligtad ang kuwento sa paglayas sa TV5 | Bandera

AMY PEREZ benggador, binaligtad ang kuwento sa paglayas sa TV5

Cristy Fermin - October 22, 2013 - 03:00 AM


Dahil sa pagpo-post at pagpapainterbyu ni Amy Perez tungkol sa mga sama ng loob niya sa kanyang staff sa Face-To-Face nitong mga huling panahon ay muling naging aktibo ang isyu na akala nami’y tapos na.

Bumalik na si Amy sa ABS-CBN, ang kanyang programa naman sa TV5 ay tuloy pa rin, si Tintin Bersola na ang kapareha ngayon ni Gelli de Belen sa Face The People.

Ang kuwento ng aming mga impormante ay nagkabiglaan ‘yun, nag-pictorial pa sina Gelli at Amy nang nakaraang araw, pero biglang nagmarakulyo si Amy kinabukasan.

Nagalit siya kung bakit nasa produksiyon pa rin pala ang mga staff niya sa Face-To-Face na kalaban niya. Kuwento ng aming source, “Ayaw niyang maging part ng show ang mga staff na nakalaban niya, mula sa PM, AP, EP, marami siyang ayaw.

Nu’ng malaman niyang nandu’n pa rin pala ang mga staff na hindi niya na gustong makita, inayawan na niya ang show.
“Natural, nakarating ‘yun sa itaas, gusto pa sana nilang plantsahin ang problema, pero you don’t do that to any network.

Hindi man niya sinabi, e, parang pinamimili niya ang mga executives between her and the staff, kaya ayun, kinol ang pag-alis niya.

“Bakit ganu’n? Masyadong benggador si Tyang Amy, bakit ganu’n katindi ang kagustuhan niyang mawalan ng work ang mga taong ayaw niya?

Tapos ngayon, e, parang gusto pa niyang palabasin na kesa sa siya ang mawalan ng work, siya na lang ang umalis to give way sa staff na magkatrabaho.

“Parang siya na lang ang nagsakripisyo, ganu’n ang pinalalabas niya ngayon. Teka lang muna, siya ang mapagmarakulyo, mahirap siyang katrabaho, matindi ang mood swing ni Amy!” sabi pa ng aming impormante.

Sabi pa ng isang source ay nagpapapansin lang siguro ngayon si Amy Perez dahil parang hindi naman naramdaman ng manonood ang pagkawala niya sa TV5.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending