Ysabel, Raphael emosyonal sa last taping day ng ‘Voltes V Legacy’: ‘Naging pamilya ko na kayo…’ | Bandera

Ysabel, Raphael emosyonal sa last taping day ng ‘Voltes V Legacy’: ‘Naging pamilya ko na kayo…’

Pauline del Rosario - August 24, 2023 - 12:40 PM

Ysabel, Raphael emosyonal sa last taping day ng ‘Voltes V Legacy’: ‘Naging pamilya ko na kayo…’

PHOTO: Instagram/@ysabel_ortega

EMOSYONAL na nagpaalam ang ilang cast ng tinaguriang “most epic primetime series to land on Philippine TV” – ang “Voltes V: Legacy.”

Makalipas kasi ang ilang taon, natapos na ang kanilang taping para rito.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinandera ng aktres at ang gumaganap sa karakter bilang “Jamie Robinson” na si Ysabel Ortega ang kanyang mensahe.

“And just like that.. we had our very last taping day for Voltes V legacy,” wika niya sa post.

Proud ding inihayag ni Ysabel kung paano niya itinuturing na pamilya ang mga naging katrabaho niya sa serye.

“In a span of 3 years, from strangers, naging pamilya ko na kayo. Mahal na mahal ko kayong apat,” caption niya.

Sey pa ng aktres, “I am so proud of each and everyone of you and I’m so happy and proud na kayo ang mga nakasama ko sa journey na ito.” 

“Congratulations sa atin and mahal ko kayo!! We did it team @voltesvlegacy!!!” aniya pa.

Baka Bet Mo: Panganay ni Cherie Gil kay Leo Martinez ibinandera ang sobrang pagmamahal sa yumaong ina; 2 pang anak super proud kay mommy

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maria Ysabel Ortega (@ysabel_ortega)

Maliban sa aktres, nag-post din sa social media ang child star at ang gumaganap bilang “Little Jon Armstrong” na si Raphael Landicho.

Ayon sa kanya, hindi siya makapaniwala na natapos na ang journey nila sa “Voltes V: Legacy.”

“As I reflect on this moment, I can’t help but feel a mix of emotions,” wika niya.

Caption pa niya, “On the other hand, I’m incredibly grateful to have had the opportunity to work alongside such talented and dedicated cast members. Each and every one of them brought their performances.”

“But at the same time, there’s a tinge of sadness in my heart, knowing that this is the final chapter of our time together,” patuloy niya.

Lahad pa ng aktor, “The ending of Voltes V Legacy might be bittersweet, but the memories we made with the cast, especially Kuya Steve, Kuya Big Bert, Kuya Mark, and Ate Jamie, will always hold a special place in my heart.”

Tiniyak din ni Raphael na hindi matatapos ang magandang samahan at pagkakaibigan na nabuo sa serye.

“Even though the show has come to an end, our friendship will continue to shine brightly [star emojis],” sey niya.

Dagdag pa niya, “It’s been an unforgettable ride, and I’m filled with gratitude for the opportunity to be a part of it. Here’s to the cast, the crew, and the fans – you all made this show a true masterpiece [emojis].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Raphael Landicho (@raphaellandicho)

Kung matatandaan, nagsimulang ipalabas ang first-ever live-action adaptation ng phenomenal Japanese ‘70s anime na “Voltes V” noong May 8.

Nanguna pa nga ito sa trending list ng Twitter Philippines sa pamamagitan ng #VoltesVLegacyTVPremiere.

Ang nasabing serye ay pinagbibidahan ng limang Sparkle artists — sina Kapuso Ultimate Heartthrob Miguel Tanfelix as Steve Armstrong, Ysabel as Jamie Robinson, Matt Lozano as Big Bert Armstrong, Radson Flores as Mark Gordon, at Raphael as Little Jon Armstrong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Miguel sa bagong leading lady: Exciting para sa akin ang loveteam na ‘to kasi si Ysabel ang kasama ko

Mensahe ng anak ni Cherie Gil kumukurot sa puso: Thank you for the greatest gift I could’ve asked for…this life and your love

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending