Toni Fowler viral matapos saktan ang anak-anakan sa isang vlog, netizens napa-react
UMANI ng iba’t-ibang reaksyon mula sa madlang people ang vlog ng social media influencer na si Toni Fowler ukol sa paraan ng pagdidisiplina niya sa kanyang anak-anakan na si Paye Galang.
Noong August 19, ibinahagi ng vlogger ang halos 46-minute video nito na kuha mula sa mga ganap sa buhay nila ng ToRo family.
Sa una ay aliw ang mga asaran nina Toni at ng mga miyembro ng kanilang pamilya ngunit napataas ang kilay ng netizens matapos mapanood ang tila forum nila sa isang kwarto.
Makikita na pinapagalitan nito si Paye matapos maglihim sa kanila ukol sa naging insidente kung saan may isang foreigner ang tumulak sa kanya habang nasa elevator.
Sinabi raw kasi ni Paye na itago muna kina Toni ang nangyari at siya na lang ang magsasabi.
Ngunit ilang linggo na ang lumipas ay hindi pa rin ito nagsasabi na ikinagigil ng vlogger.
Dito nga ay pinapili ni Toni ang dalaga kung lalayas ito o magpapabugbog na lang sa kanya.
Pinili ni Paye ang huli dahil ayaw niyang umalis sa poder nito at dito na nga nagsimulang sumigaw, magmura, at manakit ang social media personality.
Pero paliwanag ni Toni, hindi naman daw niya gustong saktan ang anak-anakan na kapatid ng kanyang bestfriend na si Papi Galang.
“Late ko na kasi nalaman so medyo late ‘yung reaksyon ko dahil hindi agad sinabi sa akin, nasikreto pa ‘yung iba. Wala namang nanay sa totoo lang na gustong masaktan mo nang pisikal kasi mahal mo yan, iniingatan mo.
Baka Bet Mo: Toni Fowler binigay ang artista van sa pangalawang anak ni Papi Galang, netizens napa-‘sana all’ na lang
Pero kasi ‘pag sobra na talaga, hindi mo na madaan sa pakiusap, sa usap nang masinsinan, mahinahon, yakap, paliwanagan, parang pakiramdam ko huling alas ko ‘yung style ng lola ko. Kung paano ako nagtanda sa isang bagay,” saad ni Toni.
Naglabas rin ng pahayag si Paye at sinabing naiintindihan niya kung bakit umabot sa sakitan ang pagdidisiplina sa kanya.
“Alam kong maldita ako. Alam kong deserve ko ‘yung consequence na ginawa sa akin nina Mommy Toni na pagdidisiplina and tinatanggap ko naman ‘yun dahil ayokong mawalan ng car at saka ang sarap ng buhay ko dito. Magpapabugbog na lang ako kaysa mamatay akong mahirap,” sey ni Paye.
Pero sa kabila ng pag-aayos ng dalawa ay maraming netizens ang nabahala sa pananakit ng vlogger na ginawa rin niya sa harap ng menor de edad niyang anak na si Tyronia na maaring magdala ng trauma sa lahat ng nakasaksi lalo kay Paye.
“The fact that she made her choose between leaving or getting hit is insane, biological daughter or not you do not physically abuse what you call family,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “The trauma dapat title. Hoping for the best of you magkapatid Papi and Paye. You deserve better and each other. Dapat kayo ang magkakampi wala ng iba.”
May nag-ungkat pa sa pag-alis ng ibang miyembro ng ToRo family na isa raw mabuting desisyon.
“Now I understand why most people sinasabi sa mga umalis sa Toro fam, ‘congratulations dahil nakaalis kayo sa toxic place’. Life is hard already. Family should be a safe place to us, not a battle field,” sey ng isa.
Hirit naman ng isang netizen, “Grabe naman si toni manakit jusko kung ako yan lalayas na ako hinding hindi kona siya papatawarin hanggang kelan sobra manakit grabe siya.”
Samantala, tila wapakels naman ang social media personality sa mga komento ng netizens hinggil sa ginawa nitong pagdidisiplina raw sa itimururing na anak.
Related Chika:
Toni Fowler nag-attitude, nag-walkout sa taping ng ‘Batang Quiapo’: ‘Hindi ko na talaga kaya Direk, tanggalin n’yo na lang ako!’
Toni Fowler nakatanggap ng P32-M worth ng life insurance mula sa dyowang vlogger
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.