Chito sa musikang Pinoy: ‘Ngayon ang Golden Age ng OPM!’

Chito Miranda sa musikang Pinoy: ‘For me, ngayon ang Golden Age ng OPM!’

Pauline del Rosario - August 14, 2023 - 03:59 PM

Chito Miranda sa musikang Pinoy: ‘For me, ngayon ang Golden Age ng OPM!’

PHOTO: Instagram/@chitomirandajr

NAGKAROON ng sariling opinyon ang lead vocalist ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Ito ay tungkol naman sa usaping “Golden Age” ng musikang Pilipino noon at ngayon.

“Maraming nagsasabi na Golden Age ng OPM ‘yung 90s,” panimula ni Chito sa kanyang Instagram post.

Patuloy pa niya, “Sobrang saya naman kasi talaga [n’ung] ‘90s dahil sa Eheads, Rivermaya, PNE, Siakol, Color It Red, Teeth, Wolfgang…at napakarami pang iba. Kahit saan ka kasi magpunta, maririnig mo ‘yung kanta ng mga banda.”

Inalala pa ng OPM icon ang mga naranasang paghihirap nila noong sumikat sila sa music industry.

Baka Bet Mo: Chito Miranda diretso-uwi sa pamilya after ng gig, plus pogi points sa netizens: ‘Idol! Being a father is more important’

Kasabay niyan ay ikinumpara niya kung gaano na kaunlad ang OPM sa panahong ito.

“We were all underpaid, hati-hati kami sa isang hotel room, kadalasan walang decent backstage or dressing room, ‘di maganda ‘yung soundsystem…at kahit sobrang sikat na ng mga bands, para pa rin kaming mga 2nd class citizens compared sa mga mainstream singers and artistas,” Kwento niya.

Dagdag pa niya, “Sobrang saya ng 90s [heart emoji] Pero for me, ngayon ang Golden Age ng OPM.”

Paliwanag ng bokalista, hindi na kasi kailangang umasa ng mga musikero sa mainstream media at recording companies upang sumikat.

Bukod diyan, mas malaya na ngayon ang makapagsulat ng mga kanta dahil hindi na kailangang isipin kung papatok ito sa masa o kung “radio-friendly” ang awitin.

“Tapos, ang masaya dun, bands and artists now get paid, and are treated, like celebrities. [random emojis],” dagdag ng singer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Dahil sa inihayag ni Chito, pinusuan ito ng maraming netizens at ang ilan sa kanila ay nagpasalamat dahil ang ‘90s OPM daw ang gumawa ng daan para mangyari ito.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Because of the pioneers in the 90s, kaya nae-enjoy naming mga kabataan yung Golden Age ng OPM.”

“Kayong mga legends ang nag-pave ng way para saming mga kabataan kuys!! [red heart emoji]”

“Salute kami sa inyo kuya!! [fire emoji] hinulma niyo childhood namin at sobrang nakakagana ngayon gumawa ng music kasi buhay na buhay ang OPM.”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Alcasid nagluluksa sa pagkamatay ng 90s matinee idol na si Patrick Guzman

Banat ni Sunshine Cruz sa basher na tumawag sa kanya ng lola: Kumain ka…mukha kang gutom

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending