Target ni Tulfo by Mon Tulfo
NOONG malapit nang bumaba si Pangulong Gloria, naglabas siya ng pondo na nagkakahalaga ng P7 bilyon para sa paggawa ng mga farm-to-market roads.
Ang mga naatasang maisakatuparan ang proyekto ay sina Agriculture Secretary na ngayon ay Bohol Congressman Art Yap at ang kanyang undersecretary na si Jess Paras.
Ayon sa mga ulat na nakalap ng inyong lingkod, inalok ang mga mayors ng tig-P20 million sa kasunduan na may bawas na 40 percent ito para sa mga “bossing.”
Ang mga barangay captains naman ay binigyan ng tig-P500,000 hanggang P3 milyon, depende sa laki ng kanilang barangay.
Kung totoo ang mga ulat, mas malaking di hamak ang pondong P7 bilyon para sa farm-to-market roads kesa doon sa P728 milyon para sa fertilizer na inilabas noong 2004 election.
Ten times more ang laki ng diumano’y pondong pinakawalan para sa farm-to-market roads kumpara doon sa P728 milyon na nilustay ni Gloria para siya iboto pagka-Pangulo noong 2004 election.
Kailangang maimbestigahan ang mga taong naglustay ng P7 bilyon kahit na anong puwesto man ang hinahawakan nila ngayon.
* * *
Talagang garapalan ang mga ginawa ni Gloria sa paglustay sa pera ng bayan noong siya’y nasa puwesto pa.
Wala siyang pakialam kung ano ang sasabihin ng taumbayan, basta makuha niya ang kanyang gusto.
Akala ng taumbayan na ang kanyang esposong si Mike Arroyo ang nagsagawa ng katarantaduhan, pero di kalaunan ay nalaman din natin na iisa lang kanilang bulsa.
Hindi makagagawa ng “milagro” si Mike ng walang basbas ni Gloria.
Sana’y maungkat ng Truth Commission ang partnership ng mag-asawang Arroyo sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Sana ay mahatulan sila ng habambuhay na pagkabilanggo para di na sila tularan ng iba.
* * *
Kitang-kita ng taumbayan na seryoso si Pangulong Noy sa kampanya niya laban sa korapsyon.
Ang kanyang battlecry kasi sa kanyang kampanya ay “Kapag walang korap, walang mahirap.”
Dapat ay bantayan niya ang Bureau of Customs nang maigi.
May nakapagsabi sa inyong lingkod na yung customs official na may napakalaking mansion sa Armed Forces of the Philippines Officers Village ay paaalisin sa kanyang puwesto at iimbestigahan.
Ibinunyag ng column na ito ang mansion.
Marami raw natanggap na balita ang Malakanyang tungkol sa pangungurakot ng customs official na ito.
At napakayabang pa raw ng customs official na ito. Palaging may sukbit na baril sa baywang na idini-display pa raw.
* * *
Isa pang customs official na dapat tanggalin sa puwesto ay yung nakatira sa Essensa Condominium sa The Fort sa Taguig.
Ang mga units sa Essensa ay nagkakahalaga ng P30-P40 milyon bawa’t isa.
Kayang-kaya ng customs official na ito ang malaking halaga na condo dahil malaki na raw ang nakurakot nito.
In fact, dahil sa dami ng kanyang pera ay siya pa raw ang tumustos sa kampanya ng kanyang boyfriend na tumakbo—at nanalo—sa pagka-congressman sa Mindanao.
* * *
Itong si Miss Customs ay mahilig daw.
Siya pa raw ang gumagasta para sa kanyang mga lalaki.
May isang taga- media na naging boyfriend nitong si Miss Customs.
Patay na patay daw itong si Miss Customs kay Mr. Media na guwapong-guwapo pero lasenggo.
Kapag Biyernes daw ay pinipilit daw nitong si Miss Customs na makalipad ng Maynila galing ng kanyang assignment noon sa Visayas upang makapiling ang lasenggong mediaman.
Itong si mediaman, kahit na daw babaero, ay wala raw hinuthot ni isang kosing kay Miss Customs.
Pinaglaruan lang daw ni mediaman ang kawawang si Miss Customs.
Naghiwalay daw ang dalawa nang sa gitna ng kanilang pagtatalik ay sinabihan si Miss Customs ni Mr. Media na pumunta ng banyo at maghugas muna.
Nainsulto raw si Miss Customs.
Bandera, Philippine news at opinion, 080410
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.