Pokwang makaka-move on lang kapag napalayas na sa bansa si Lee O’Brian: ‘Ayokong i-share ang hangin ng Pilipinas sa kanya, hindi niya deserve’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Lee O’Brian at Pokwang
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nakaka-move on ang Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang sa paghihiwalay nila ng dating American partner na si Lee O’Brian.
Aminado ang komedyana na hindi talaga madaling kalimutan ang mga nangyari sa relasyon nila ni Lee at until now ay nakakaramdam pa rin siya ng matinding sakit at galit.
Sumalang si Pokwang sa “Lie Detector Challenge” segment ng “Dapat Alam Mo!” last Wednesday at game na game nga niyang sinagot ang maiinit at kontrobersyal na tanong tungkol sa usaping pag-ibig.
Unang tanong kay Pokie ng mga host ng programa na sina Kuya Kim Atienza at Susan Enriquez kung naka-move on na ba siya kanyang last heartbreak.
“I’m not gonna lie Kuya Kim and Madam Susan, ‘no,'” ang diretsahang sagot ng komedyana. In fairness, “Truth” naman ang lumabas sa resulta ng lie detector test.
Paliwanag ni Pokie, “Hindi ganoon kadali. Kapag wala na siya sa Pilipinas, ‘yan ang super move on ko na talaga. Sa ngayon hindi pa. Ayokong i-share ang hangin ng Pilipinas sa kaniya, hindi niya deserve.”
Sabi pa ni Pokwang, magkahalong sakit at galit pa rin ang nararamdaman niya after ng kontrobersyal na paghihiwalay nila ni Lee.
“Both. Kasi alam mo ‘yung, ang dami mong ibinigay na chance eh, to visit the child, pero wala,” aniya pa.
Sundot na question ni Kuya Kim, “Tatanungin ko ulit. Mahal mo pa ba ang iyong ex partner na si Lee? Yes or no?”
“I’m not gonna lie Kuya Kim and Madam Susan, ‘no,'” sagot ni Pokwang, kung saan “Truth” pa rin ang naging resulta ng lie detector.
“It’s too late (magbalikan). Sabi nga ni Justin Bieber. May yaya naman si Malia (anak nila ni Lee). Bakit ngayon lang, ‘di ba?” sey ni Pokie kasabay ng pagsasabing wala na rin siyang pakialam sa lovelife ng ex-dyowa na nabalitang may bago nang partner ngayon.
“I don’t care. Gusto kong magpayaman para sa anak ko. Period!” chika ni Pokwang.
Last June, naghain ng deportation case si Pokwang laban kay Lee. Sabi ng abogado ni Pokwang na si Rafael Vincente Calinisan ng Calinisan Domino And Beron Law Offices, walang working permit sa bansa si Lee.
Kasunod nito, naghain naman ng counter affidavit si Lee at humiling pa na sana’y maging patas ang gagawing pagdedesisyon ng korte.