Jake muling ibinandera ang feelings kay Chie matapos pumirma ng network contract sa ABS-CBN: ‘I’m so proud of you!’

Jake muling ibinandera ang feelings kay Chie matapos pumirma ng network contract sa ABS-CBN: 'I'm so proud of you!'

Chie Filomeno at Jake Cuenca

PROUD na proud si Jake Cuenca sa kanyang “crush” na si Chie Filomeno na finally, after 11 years ay nabigyan na ng network contract sa ABS-CBN.

Ayon sa binatang aktor, deserving naman si Chie sa natanggap na achievement dahil sa pagiging loyal nito sa Kapamilya Network at sa pagsusumikap nito sa loob ng mahigit isang dekada.

Naniniwala rin si Jake na marami pang magagawa at maipakikita ang dalaga bilang isang aktres lalo na kapag nabigyan pa ng mas maraming magaganda at makabuluhang proyekto.


Sa kanyang Instagram, nag-post si Chie ng mensahe para sa bagong milestone sa kanyang career. Ibinahagi niya sa madlang pipol ang mga photos at video clips na kuha sa naganap na contract signing last Wednesday, August 9.

“Naalala ko tinanong ako dati na bakit hindi ka pa gumigive up Chie, eh nauunahan ka na ng mga kasabayan mo noon.

“Ang sagot ko nu’n ‘Sayang lahat ng pagod at sakripisyo ko at ng magulang ko. And I know my time will come at habang wala pa yun, I will work hard as much as I can and clap for others because they are also my inspiration.’

“Cut to today, signing my first network contract with ABS-CBN after 11 years. Overwhelming feeling right now pero salamat po sa pagtaya sa akin, hindi ko po kayo bibiguin,” ang caption na inilagay niya sa kanyang IG post.

Sa comments section ng kanyang post, nag-congratulate si Jake, “Couldn’t think of anyone else who deserves that contract more. Such a beautiful journey. So proud of you.”

Baka Bet Mo: Chie Filomeno nilinaw na ‘single’ pa rin, nais pang i-enjoy ang ‘me time’

“@juancarloscuenca thank you Jake,” ang sagot naman sa kanya ni Chie.

Binati rin ni Jake si Chie gamit ang Instagram Stories, “I know how much this means to you and how hard you’ve worked for this. I’m so happy for you. Just want you to know that.

“I’m so proud of you @chiefilomeno,” pahabol pa niya with matching heart emoji.

Matatandaang inamin ni Jake na naa-attract siya kay Chie sa Hot Summer LaHot Sexy 2023 event noong May, “I’m admiring her. I guess I can say that. She knows that I admire her. We’ve known each other for a while and we are enjoying each other’s company.”


Sa guesting naman ni Chie sa “Magandang Buhay” ay hiningan siya ng reaksyon hinggil dito, “Actually flattering din ‘yung sinabi niya kasi hindi rin lahat ng lalaki ay vocal sa feelings nila.

“And I am happy na he is vocal sa feelings niya sa akin. And I do admire him also, as in sa mga interview na itinatanong sa akin I look up to him.

“We are talking, nag-uusap kami po. Siguro taking time din kasi alam din niya rin kung ano ang priority ko in life. He’s really understanding,” aniya pa.

At sa panayam naman sa kanya ng Cosmopolitan Philippines, muling nagsalita si Chie sa tunay na estado ng relasyon nila ni Jake, “I’m enjoying my me time. You don’t need to be in a relationship to be happy.”

Aniya pa, “A relationship for me is an investment. ‘Yung gusto ko sa tao na paglalaanan ko, ‘yun na ‘yun. Kasi we’re not getting any younger, so invest wisely.”

Jake Cuenca wala pang time para sa lovelife, pero pwede nang makipag-date: ‘It will come at the right time’

Jake Cuenca umamin na sa tunay na relasyon nila ni Chie Filomeno: ‘We’ve known each other for a while and we’re enjoying each other’s company’

Read more...