Ang Filipina-Brazilian beauty queen mula sa Cagayan de Oro ang magiging bet ng Pilipinas sa naturang international pageant na gaganapin sa Vietnam sap darating na October 25.
“It’s been a lot of fun. I’ve been working a lot on my pasarela,” ang pahayag ng dalaga sa panayam ng ABS-CBN.
Patuloy pa niya, “Because you know, Miss Grand is all about performance. They’re really looking for a superstar so I’m really focusing on being the best superstar.
Ayon pa kay Nikki, patuloy siyang sumasailalim sa Q&A sessions para mas ma-develop pa ang kanyang communication skills na siyang pinakamahalagang aspeto sa pagsali sa mga pageant.
Siya rin ang kauna-unahang winner sa ginanap na Miss Grand Philippines last month na July, under ALV Pageant Circle. Ang dating franchise ng Miss Grand International ay pag-aari noon ng Binibining Pilipinas Charities, Inc..
Samantala, todo rin ang pasasalamat ni Nikki sa mga kapwa niya beauty queen na patuloy na sumusuporta sa kanya tulad ng dating winner na si Roberta Tamondong at reigning Miss Grand International na si Isabella Menin.
“They told me to really preserve my energy because it’s a lot of stamina that I would need for this pageant. So I’m working on that,” sey ni Nikki.
Natanong din ang dalaga kung anong strategy ang ginagawa at minamaster niya ngayon para magkaroon ng chance na maging unang Pinay na mag-uuwi ng Miss Grand International crown.
“I think just being myself, really. I think being authentic really sets you apart from everything else,” tugon ng beauty queen.
Dalawa sa mga naging bet ng Pilipinas sa Miss Grand International ang nagwagi ng first runner-up, sina Nicole Cordoves noong 2016 at Samantha Bernardo noong 2020/2021.