Pekto Nacua, John Feir nagtrabaho muna bilang PA at props man bago sumikat sa showbiz, pinabilib sina Joey at Janno
BAGO makilala bilang magagaling na komedyante sa bakuran ng GMA 7, nagtrabaho muna sa likod ng mga camera sina Mike “Pekto” Nacua at John Feir.
Binalikan ng dalawang Kapuso comedian ang naging simula ng kanilang showbiz career mula sa pagiging production assistant sa mga programa ng Kapuso Network.
Nagpapasaalamat sila sa mga kapwa komedyanteng sina Joey de Leon at Janno Gibbs na nagbigay sa kanila ng pagkakataon para maging bahagi ng entertainment industry.
“Noong araw, ‘yung PA (production assistant) kasi parang walang katapusan ‘yung ginagawa, eh. Parang lahat sa ‘yo, eh.
View this post on Instagram
“Hindi katulad ngayon, kapag sa audio ka, audio ka lang. Kapag nasa technicals ka, technicals ka lang,” pagbabalik-tabaw ni John Feir nang mag-guest sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda.”
“Noon all around. Kapag nasa audio ka, kailangan ikaw ang mag-ayos ng idiot board, ikaw ang magde-deliver ng tape,” dagdag pa niya.
Ilam sa mga GMA programs na hinawakan niya noon bilang PA ay ang mga noontime show na “Lunch Date” at “Salo-Salo Together” at ang gag show na “Nuts Entertainment.”
Baka Bet Mo: Nagtrabaho bilang yaya para makapag-aral, top 1 sa Licensure Examination for Teachers
Kuwento pa ni John, “Ang hindi ko makakalimutan si Tito Joey (de Leon). Siyempre sa Lunch Date, ang aking idol, si Randy Santiago.”
Nakasabayan din niya noon ang comedian-TV host na si Bayani Agbayani, na nagsilbing props man sa “Salo-Salo Together.”
“All around din siya Kuya Boy. Gaya nga ng sabi ko, ‘yung PA noon, all around lahat, lahat puwedeng gawin, eh,” chika pa ng “Pepito Manaloto” mainstay.
Samantala, nagsimula naman bilang isang propsman si Pekto, “Sa art department, ako as props man, ‘yung mga LED wala pa, eh.
“So mano-mano may tao sa likod niyan. So merong tagapihit ng numero. Sobrang manual pa noong araw,” lahad ni Pekto.
View this post on Instagram
Matatandaang naging co-host din ni Joey si Pekto sa isa pang comedy show sa ibang TV network. Ilang taon ang lumipas, inalok siya nina Joey at Janno Gibbs, para sa GMA sitcom na “Beh Bote Nga.”
Ito ang kauna-unahan niyang acting project bilang Kapuso. Sey ni Pekto, nagustuhan siya ni Janno dahil sa mataas at matinis niyang boses.
Kasunod nito, kinuha naman ni Joey si John para gumanap na bading sa “Nuts Entertainment”, “Ako by accident naman (pagsisimula sa aktingan).
“Sabi ni Tito Joey, ‘John Feir! Isuot mo na ‘yung wig diyan para matapos na tayo!’ Sinuot ko ‘yung wig galing sa basurahan. No choice, so may moya (amoy) ‘yung wig, sinuot ko, from that point, the rest is history,” chika ng komedyante.
Ang comedic tandem nina John at Pekto ay nabuo sa “Nuts Entertainment” na nakilala bilang sina Cookie at Belly at in fairness, hanggang ngayon ay umaariba pa rin sila bilang pambatong comedian ng GMA 7
Joey de Leon kung anu-anong trabaho ang pinasok noon, pero bakit nagre-resign agad?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.