Joey de Leon kung anu-anong trabaho ang pinasok noon, pero bakit nagre-resign agad?
Joey de Leon
KNOWS n’yo ba na bago makilala bilang magaling na komedyante at TV host ang Henyo Master na si Joey de Leon ay kung saan-saan muna siya nagtrabaho?
Inamin ng “Eat Bulaga” Dabarkads na hindi talaga siya mahilig mag-aral noong estudyante pa lamang siya, mas gusto raw kasi niyang magtrabaho agad at kumita ng pera.
Kuwento ng veteran Kapuso comedian, napakarami niyang naging trabaho noong kabataan niya kabilang na ang pagiging sales clerk sa isang malaki at sikat na department store.
Nabanggit ito ni Joey sa unang pagsalang niya sa “Bawal Judgemental” segment ng “Eat Bulaga” (Christmas episode) kung saan isa nga siya sa mga naging choices.
Nakasama niya rin dito sina Tito Sotto, Vic Sotto, Allan K. at Jimmy Santos na may kanya-kanya ring rebelasyon tungkol sa mga naging trabaho nila noon bago pa sila mapasok sa mundo ng showbiz.
Ayon kay Joey, totoong hindi siya mahilig mag-aral noon dahil mas gusto niyang kumita agad kaya naman kung anu-anong raket ang pinasok at pinatulan niya.
“Mas mahilig ako magtrabaho. Para sa kaalaman niyo po mga kaibigan, ako po ay nagtrabaho sa kauna-unahang Rustan’s (sa Pilipinas) doon sa San Marcelino, sa Manila, na wala akong kaalam-alam na doon pala nakatira ang mga Sotto.
“Tumagal lang po ako ng isang linggo kasi na-assign po ako sa mga glasssware, ang likot ko, e. k
Kapag nakabasag ako ng isa, isang taong sweldo ko na ‘yun (babayaran), so umalis na po ako agad,” lahad pa ng beteranong TV host.
Dugtong pa niya, “Tapos nagtrabaho din po ako sa toilet paper, bilang kamador ng toilet paper.
“Isang linggo lang din po ako doon, sa unang araw nakilala ko yung isa putol ang mga daliri, sumunod na araw, putol naman ang kamay nung isa. Kaya, pinutol ko na ang pagtatrabaho ko sa kanila,” natatawang pahayag pa ni Joey.
Naging empleyado rin daw siya ng Commission on Elections (COMELEC) at Nichols Field o ang Villamor Air Base na ngayon. Bukod pa rito ang pagiging Laboratory Aide sa National Institute of Standards and Technology o NIST.
View this post on Instagram
Samantala, kahit daw hindi siya mahilig mag-aral noon, may nagawa naman daw siya para sa kanilang school na talagang nagmarka sa kanyang mga guro at kaklase.
“Hindi ako masipag sa pag-aaral pero may mga nagawa ako na may katindihan nang konti.
“Inirepresenta ko ang University of the East sa isang oratorical contest noong panahon na mayroon pang Rizal course ang title ay ‘Young Man, Go Into Business,'” pagmamalaki pa ni Joey de Leon.
https://bandera.inquirer.net/295953/joey-bumanat-sa-mga-nagpapakalat-ng-fake-news-suportado-si-tito-sa-pagtakbo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.