BJ 'Tolits' Forbes bumisita sa TVJ, payag mag-guest sa 'Eat Bulaga' ng GMA at 'E.A.T.' ng TV5: 'Kung saan po may trabaho, go po ako' | Bandera

BJ ‘Tolits’ Forbes bumisita sa TVJ, payag mag-guest sa ‘Eat Bulaga’ ng GMA at ‘E.A.T.’ ng TV5: ‘Kung saan po may trabaho, go po ako’

Ervin Santiago - August 07, 2023 - 01:18 PM

BJ 'Tolits' Forbes bumisita sa TVJ, payag mag-guest sa 'Eat Bulaga' ng GMA at 'E.A.T.' ng TV5: 'Kung saan po may trabaho, go po ako'

BJ Forbes, Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon

BINISITA ng dating child star na si BJ “Tolits” Forbes ang iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa studio ng “E.A.T.” sa TV5  kamakailan.

Habangbuhay na magiging thankful ang aktor at public servant sa TVJ at sa “Eat Bulaga” dahil sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na matupad ang pangarap niyang maging artista.

Nakilala si BJ sa showbiz nang maging finalist siya sa “That’s My Boy” contest ng “Eat Bulaga” noong 2003 hanggang sa maging isa na rin siya sa mga host ng programa taong 2005.

Alam daw ni Tolits ang kontrobersyang kinasasangkutan nina Tito, Vic & Joey at ng mga legit Dabarkads at ng “Eat Bulaga” sa GMA 7 produced by TAPE Incorporated.

“I saw them a week ago, nu’ng nag-guest ako sa TV5, binisita ko sila, yung TVJ,” kuwento ni BJ sa presscon ng bago niyang pelikula, ang “The Special Gift” mula sa direksyon ni Lawrence Roxas with Roy Gomez as executive producer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Natanong ang former child star kung ano ang pipiliin niya sakaling sabay siyang alukin na mag-guest sa “E.A.T.” ng TVJ at sa “Eat Bulaga” nina Paolo Contis, Isko Moreno at Buboy Villar.

“Kahit saan po du’n. Ha-hahaha! Joke lang! Pero sa akin, jahit saan po du’n, kung sino po magbibigay ng pagkakataon.

“Pero siyempre po, I have respect for TVJ and also for TAPE and parehas po may mga naiwang pamilya namin dun sa Eat Bulaga! pa rin ngayon, so kung sino man po magbigay, okay lang.

“Hindi naman po ako kasama dun sa issue, e. So hindi po ako para makisali, but yung respeto at pagmamahal nandun po, pero kung saan po may trabaho go po ako,” pahayag ni Tolits.

Natanong din siya tungkol sa kundisyon ngayon ng anak niyang si Janella na tatlong taon nang nakikipaglaban sa kanyang sakit.

Baka Bet Mo: TVJ, iba pang legit Dabarkads nagkaiyakan sa unang pasabog ng bagong show sa TV5, ‘E.A.T.’ na ang gagamiting titulo

“Bale po nu’ng one year old siya bigla na lang siyang nagkaroon ng seizures, tapos dahil sa prolonged seizures niya kahit nung dinala namin kasi siya sa hospital, sinaksakan na siya ng anti-seizure.

“So nawalan ng oxygen yung utak niya kaya since noon, nagkaroon siya ng stroke. Bale masyadong mahaba yung kuwento, nagpalipat-lipat kami ng hospital, hanggang sa napunta kami sa PCMC (Philippine Children’s Medical Center).

“But right now she’s okay, may maintenance na medicines, merong mga therapy, and may maliliit na improvements, but it’s still an improvement na ipinagpapasalamat namin sa Diyos,” paliwanag ni BJ.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BJ Tolits Forbes (@its.bjforbes)


Samantala, umaasa rin ang aktor na sana’y magtuluy-tuloy na ang kanyang  showbiz career kasabay ng pagkumpirma na titigil muna siya sa pagiging politiko.

Nagsisilbi ngayong SK Federation President si BJ sa Angono, Rizal at mukhang mas gusto muna niyang karirin ang akting kesa sa politics.

“Sana po, sana po, dahil nu’ng nabalanse ko po siya ngayon, mas okay po talaga ang pag-aartista kesa sa pagpopolitika. Hindi ko naman po kinu-close yung doors ko.

“Gusto ko lang magpahinga, kasi five years na po akong nakaupo as councilor and SK, and masyado po akong…alam naman po natin sa pulitika is nandiyan po yung mga toxicity.

“Yung mga political interest ng mga nasa paligid, at gusto ko pong magpahinga muna dun at mag-focus sa pamilya ko at sa sarili ko ng wala masyadong mabigat na responsibilidad ng pagiging public servant,” aniya pa.

Busy ngayon si BJ sa mga guesting sa iba’t ibang TV show at sa pagpo-promote ng “The Special Gift” mula sa RC Gomez Entertainment Productions.

Kasama rin sa movie ang Kapuso child star na si Franchesco Maafi, Soliman Cruz, Migui Moreno, Mike Lloren, Malou Canzana, Romina Cauilan, Ella Sheen at Angelo Gomez.

BJ Forbes sumuko agad sa politika, anak hindi pa rin makapagsalita at makapaglakad; relate much sa pelikulang ‘The Special Gift’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘BJ’ ni Ivana Alawi bentang-benta sa socmed, hirit ng netizen: ‘Mas masarap ‘tong turon ko bagay sa buko mo’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending