Vic, Jose, Ryzza Mae paiiyakin ang dabarkads sa Holy Week; Tito, Joey hindi nagpatalbog | Bandera

Vic, Jose, Ryzza Mae paiiyakin ang dabarkads sa Holy Week; Tito, Joey hindi nagpatalbog

Ervin Santiago - April 11, 2014 - 03:00 AM

VIC SOTTO, JOSE MANALO AT RYZZA MAE DIZON

ANIM na napapanahong kuwento ng ina, tahanan at pag-asa ang handog ng Eat Bulaga ngayong Mahal na Araw na mapapanood simula Lunes Santo (Abril 14) hanggang Miyerkoles Santo (Abril 16). Matapos mahinto ng walong taon, muling ibinabalik ng TAPE, Inc. ang drama specials tuwing Holy Week ng Eat Bulaga.

Hindi lang tatlong drama ang handog ng programa kung dalawang episodes kada araw o anim na episodes sa tatlong araw ang matutunghayan simula 11:30 a.m.. Bukod sa EB Dabarkads na magpapaiyak at magbibigay-inspirasyon, tampok din sa bawat episode ang malalaking artista na pangungunahan ng Movie Queen na si Susan Roces, Diamond Star na si Maricel Soriano, award-winning actor Dennis Trillo at marami pang iba.

Ang anim na episodes ay base sa true stories ng mga taong natulungan ng Eat Bulaga sa pang-araw-araw nilang pagsugod sa mga barangay sa buong bansa para sa “Bayanihan of the Pipol Juan For All, All For Juan.”

Una na rito ang “Hulog ng Langit” (Lunes Santo): ang unang episode ay ang “Karugtong Ng Puso” na pagbibidahan nina Susan Roces, Paolo Ballesteros, Ehra Madrigal at Tito Sotto, directed by Mark Reyes.

Kuwento ito tungkol sa pagpapatawad, pagmamahal at kakaibang kahulugan ng pamilya na halaw sa istorya ng buhay ni Emerita Seda, ang kasambahay na ginamit ang premyo sa “Juan For All” para maopagamot ang ina.

Sa episode 2, tampok ang “Ilaw Ng Kahapon” nina Julia Clarete, Gladys Reyes, Perla Bautista at Dennis Trillo, directed by Jun Lana. Ito’y mula naman sa buhay ni Emelda Quistado ng Cavite na hinahanap ang nawawalang ina.

Sa Martes Santo panoorin ang “Hakbang Sa Pangarap”, starring Michael V, Wally Bayola, Bea Binene, Assunta de Rossi at Joey de Leon na idinirek din ni Jun Lana.

Kapwa lumpo nang magkakilala at nauwi sa pag-iibigan sina Noel at Carmen Perfecto. Kahit may kundisyon sa paglalakad, hindi nila alintana ang kalagayan upang makabuo ng isang masaya at normal na pamilya.

Ang episode two naman na “Kulungan, Kanlungan” ay pagbibidahan nina Maricel Soriano, Pia Guanio, Keempee de Leon, Isabelle Daza at BJ “Tolits” Forbes sa direksiyon ni Gina Alajar. Ito’y tungkol sa masaya ngunit masalimuot ding buhay ng apat na magkakapatid na puro matatandang dalaga at binata.

At sa Miyerkules Santos naman, bibida ang episode one na “Anyo Ng Pag-Ibig” nina Pauleen Luna, Ryan Agoncillo, Jimmy Santos, Ruby Rodriguez, Krystal Reyes at Valerie Weigmann directed by Mike Tuviera na tatalakay sa buhay ni Venus, isang babaeng walang buhok at ngipin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At para sa huling episode tampok ang “Pangalawang Bukas” kung saan magtatagisan sa pagdadrama sina Vic Sotto, Jose Manalo, Anjo Yllana at Ryzza Mae Dizon sa direksiyon ni Bibeth Orteza. Istorya ng tatlong tao na naligaw ng landas ang kuwento nito at kung paano nasubukan ang kanilang panananalig sa Diyos patungo sa pagbabalik-loob sa Kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending