Tito Sotto sa renewal ng 'Eat Bulaga' trademark ng TAPE: Magsawa sila sa trademark basta amin ang copyright | Bandera

Tito Sotto sa renewal ng ‘Eat Bulaga’ trademark ng TAPE: Magsawa sila sa trademark basta amin ang copyright

Reggee Bonoan - August 05, 2023 - 10:31 PM

Tito Sotto sa renewal ng 'Eat Bulaga' trademark ng TAPE: Magsawa sila sa trademark basta amin ang copyright
“MAGSAWA sila sa trademark basta amin ang copyright,” ito ang sagot ng dating Senate President na si Tito Sotto sa anunsyo ng TAPE Inc. ukol sa renewal ng “Eat Bulaga” trademark at logos nito.

Nitong Sabado, August 5, ay nag-viral sa social media ang Certificate of Renewal of Registration na inisyu ng Intellectual Property of the Philippines (IPO) para sa Eat Bulaga trademark and logo ng programa.

Nakasaad sa nasabing dokumento ang petsa na inirehistro ito noong Hunyo 14, 2013 at petsa ng renewal ay nitong Hunyo 14, 2023 na magiging balido hanggang Hunyo 14, 2033 o another 10 years.

Ang pinayl naman ng TVJ o nina Tito, Vic, at Joey ay ang copyright infringement at unfair competition case against TAPE at GMA Network sa pagpapalabas nito ng mga replay episodes ng orihinal na Eat Bulaga gamit ang mga segments na ginawa mismo ng orihinal na Eat Bulaga team.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Tito Sotto, Joey present sa unang hearing ng ‘copyright’ case laban sa TAPE: ‘Pinipilit n’yo sa tao na kayo ang Eat Bulaga, e, hindi naman kayo’

Matatandaang inere pa rin ng “Eat Bulaga” sa GMA 7 ang mga segments kahit na nag-resign na ang mga original hosts at staff nito at kumawala na sa TAPE, Inc nap ag-aari ng Jalosjos family.

Sa kasalukuyan ay umeere ang noontime show ng TVJ sa TV5 na may titulong E.A.T. pansamantala habang dinidinig sa korte ang tungkol sa Application for the Issuance of Writ of Injunction on the Copyright Infringement and Unfair Competition na nakasampa sa Marikina Regional Trial Court.

Related Chika:
‘Eat Bulaga’ trademark ni-renew ng IPO, nananatiling pagmamay-ari ng TAPE Inc

TVJ nagkaiyakan sa presscon ng paglipat nila sa TV5; Vic hindi papayag na basta na lang kunin ang ‘Eat Bulaga’ ng kung sinu-sino lang

TAPE Inc naglabas ng statement ukol sa kasong isinampa ng TVJ: It is not a copyright infringement

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending