Kris Aquino binigyan ng Cartier ring si Mark Leviste, simbolo ng kanilang pagmamahalan at pagkakaibigan
IPINALIWANAG ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang rason sa likod ng kanyang ibinigay na singsing kay Batangas Vice Governor Mark Leviste.
Marami kasi ang nakapansin sa suot-suot na singsing ng bise governador sa kanyang Instagram post nang magbalik ito sa Batangas mula sa pananatili sa Amerika kasama ang TV host-actress.
Sa katunayan, maging ang fan page ni Kris na @krisaquinoworld ay ibinahagi ito sa Instagram at sinabing ang singsing ay isang Cartier Trinity ring na sumisimbolo sa love, friendship, at fidelity at base sa post sy mula raw ito kay Tetay.
Sa comment section ay ibinahagi ni Kris ang rason at kuwento ng kanyang pagbibigay singsing sa dating kasintahan.
“Sorry I pressed post by accident. Marc and I both know we still have a lot of work to do as far as communication and not misinterpreting each other’s words—the important thing is that we both know our kids come first,” panimula niya.
Ayon kay Kris, ibinigay niya ito kay Mark dahil may relasyon sila noon.
“The reason I gave him the ring was first of all, we were very much together then BUT whether we can make the journey together reach the finish line: the love, friendship, and the fidelity (meaning loyalty and commitment) to honor and respect what was and what is shall remain SOLID,” pagpapatuloy niya.
Muli ngang ibinahagi ng TV host-actress ang kanyang kasalukuyang lagay at nagiging totoo lang siya sa sitwasyon.
“I am realistic, I’m battling 5 autoimmune conditions and the odds of me getting to the point of remission are very much against me, so I’m learning to be grateful for each day I wake up, that’s why I avoid discussing the future.
“I continue to be grateful that we have a merciful & loving God who listens to your prayers. Thank you because YOU GIVE ME HOPE,” sey ni Kris.
Aniya, ang magiging reaksyon ng kanyang “old self” sa nangyayari ay iba sa kung paano niya tinatanggap ngayon ang nangyari.
“The old me would be messaging Vice Gov Marc (it’s really with a C) to argue with him on why he couldn’t keep this private—but I’ve learned to accept him in his totality in the same way that he has learned to accept me for me. We’re trying our best to make what we have work,” lahad ni Kris.
Matatandaang nitong June lang nang aminin ni Mark Leviste ang kanilang relasyon.
Ngunit makalipas lang ng ilang linggo ay inanunsyo naman ni Kris ang kanilang paghihiwalay at inaming may mga pagkakataong hindi sila magkaintindihan.
“If we had tried to stay together as a couple the ending would still be the same, tao rin ako na mapipikon at magtatampo dahil mararamdaman kong, hindi ba nya naisip ang hirap na pinagdaanan ko?” pagbabahagi ni Kris.
Related Chika:
Kris Aquino grateful kay Mark Leviste, pangako sa mga Batangueño: Hindi ko na po sya gagambalain para yung FOCUS nya inyong inyo
Kris Aquino nilinaw ang tunay na ‘score’ sa kanila ni Mark Leviste
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.