Belle Mariano wala nang paki sa mga body shamers at laiterang bashers: ‘It’s our imperfections that make us perfect’
AMINADO ang award-winning Kapamilya young actress na si Belle Mariano na super conscious siya noon sa kanyang katawan at itsura.
Ngunit sa pagdaan daw ng panahon ay nagiging mature ang pananaw niya sa mga bagay-bagay sa kanyang kapaligiran lalo na sa pagtrato at pag-aalaga niya sa sarili.
“Struggle is real” din para kay Belle mula nang pumasok siya sa showbiz sa murang edad. Talagang hindi rin naging madali sa kanya ang pagharap at paglaban sa mga challenges ng showbiz.
“Alam ko namang imperfect ako. It’s our imperfections that make us perfect. I think that’s what I like.
“We learn how to embrace our imperfections. I think that’s what makes us really stick to our core and love ourselves more,” ang pahayag ni Belle sa pakikipagchikahan niya kay Vice Ganda na mapapanood sa YouTube channel ng TV host-comedian.
View this post on Instagram
Sa tanong ni Vice sa kanya kung ano ang kanyang “proudest imperfection”, “Before talaga sobrang weight-conscious ko. Binibilang ko ‘yung calories ko, ganyan. As in I never saw myself perfect physically. Tapos in-embrace ko siya.
“So now, I just do what I want to do. Ginagawa ko na lang kung ano ‘yung hinahanap ng katawan ko, kung ano ‘yung gusto kong kainin,” pag-amin ng ka-loveteam ni Donny Pangilinan.
Minsan nga raw ay nagkausap sila ng kanyang ina tungkol sa mga insecurities niya noon sa kanyang itsura at katawan, lalo na noong sumabak na siya sa pag-aartista.
Baka Bet Mo: Heart sa may mga mental health issue: It’s OK not to be OK, normal lang na hindi ka perfect…
Aniya, una sa mga ginawa niya para ma-overcome ang insecurity ay ang pag- embrace sa lahat ng kanyang mga flaws o kapintasan.
View this post on Instagram
“You know how noisy social media can get, Twitter can get. Kapag sinasabi na ‘Ay ang pangit ng buhok niya, ang pangit ng ano…’ Noise na lang ‘yun once matanggap mo na ‘yung sarili mo,” sey ni Belle.
Pero kung may isang physical aspect na nais pa niyang ma-improve, “Yung posture ko. Kuba ako sobra! Ha-hahaha!”
Samantal, tuloy na tuloy na ang kauna-unahang primetime series nina Belle at Donny sa ABS-CBN, ang “Can’t Buy Me Love,” na ididirek ni Mae Cruz Alviar.
Julia Montes mas bet ang ‘happy life’ kaysa ‘perfect life’, may pinagdaraanan nga ba?
Dingdong naka-jackpot kay Marian: Mas nai-inspire ako maging mabuting tao dahil sa kanya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.