‘Voltes V Legacy’ humataw sa Comic-Con 2023 sa US; Dingdong pinatunayang siya pa rin ang GMA Primetime King
RAMDAM talaga ang Pinoy Pride matapos ang successful participation ng Team “Voltes V: Legacy” sa San Diego Comic-Con 2023.
Ito ang kauna-unahang Philippine program na naimbitahan bilang panelist sa biggest annual comics convention sa California, USA.
Ginanap ang prestigious event noong July 20 hanggang 23 sa Marriott Marquis San Diego Marina.
Habang suot ang kanilang flight suits, nakisalamuha sa fans ang mga bida ng serye na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, at Gabby Eigenmann.
View this post on Instagram
Kasama rin nila sina GMA Entertainment Group Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable, Assistant Vice President for Drama Helen Rose S. Sese, at Direk Mark Reyes.
Naging mainit naman ang pagtanggap ng fans sa Team Voltes V. Bukod sa kaliwa’t kanang pagpapa-picture sa cast, full house rin ang convention center kasama sina Steve Armstrong, Jamie Robinson, at Commander Robinson!
* * *
Patuloy naman sa pag-arangkada ang GMA mystery drama na “Royal Blood” sa Philippine TV primetime.
Gabi-gabing pinag-uusapan ang tumitinding eksena ng serye at pahulaan pa rin kung sino nga ba ang pumatay kay Gustavo Royales.
Baka Bet Mo: ‘Voltes V Legacy’ ni Mark Reyes aprub na aprub sa Toei Company: Na-surprise sila sa napanood nila!
Pero mukhang madidiin na sa krimen si Napoy (Dingdong Dantes) matapos makuha ng mga pulis ang isang CCTV footage.
Siya nga ba ang maysala o sinasabotahe lang siya ng Royales siblings? O baka naman wala rin sa kanilang magkakapatid ang tunay na suspek?
View this post on Instagram
Tutukan ang “Royal Blood,” Lunes hanggang Biyernes tuwing 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies habang 10:50 p.m. naman sa GTV.
Samantala, siguradong hahakot na naman ng best actor awards si Dingdong dahil sa napakagaling na akting na ipinapakita niya sa “Royal Blood”.
In fairness, pinatunayan na naman ni Dingdong na siya pa rin ang nag-iisang Primetime King ng GMA 7 because of his successful series. Congrats Dong!
Jane de Leon super happy sa successful operation ng ina, nagpasalamat sa lahat ng mga nagdasal
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.