Robin umalma nang punahin ang hand gesture habang kumakanta ng 'Lupang Hinirang', magre-resign na lang sa Senado kung... | Bandera

Robin umalma nang punahin ang hand gesture habang kumakanta ng ‘Lupang Hinirang’, magre-resign na lang sa Senado kung…

Ervin Santiago - July 27, 2023 - 12:26 PM

NA-BAD TRIP si Sen. Robinhood “Robin” Padilla sa mga taong bumatikos sa kanyang ginawa habang pinatutugtog at sinasabayan ang “Lupang Hinirang.”

Marami kasi ang kumuwestiyon at pumuna sa kanyang hand gesture nang kantahin na ang “Lupang Hinirang” sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos last Monday, July 24.

Makikita sa video na kumakalat ngayon sa social media na sa halip na nakalagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib tulad ng nakasanayan ng mga Filipino ay nakaturo ang isang daliri ng senador.

Paliwanag ng husband ni Mariel Rodriguez, ang nasabing hand gesture ay tinatawag na “Kalima La ilaha ilalah” na nagpapakita ng pananampalataya ng isang Muslim.

Baka Bet Mo: Robin Padilla personal na pinuntahan ni Coco Martin para mag-sorry, inaming kulang ang kaalaman sa Islam

Sey ni Robin, ganu’n ang palagi niyang ginagawa kapag tinutugtog ang Pambansang Awit ng Pilipinas. At kung pagbabawalan siyang ipahayag ang kanyang faith bilang Muslim ay mas gugustuhin pa niyang magbitiw sa puwesto.

“I always do the ‘Kalima La ilaha ilalah’ with my hand here. Why can’t you do that?

“I would rather resign than somebody telling me I cannot (practice) my faith,” ang paliwanag ng actor-public servant,” esplika ng senador.

Hirit pa niya, “I will never, never exchange my faith to be a politician.

“If I will not be successful in pushing for a federal parliamentary form of government I’d rather be an imam, I’d rather go to Malaysia and study the Koran than be a senator,” dagdag pang pahayag ni Robin.

Related Chika:

Nikko Natividad napikon, na-bad trip sa mga katrabaho sa ‘Working Boys 2’: ‘Sa isip ko pinagsusuntok ko na sila, tinataob ko na ang mesa’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

LGBTQ members na-bad trip nang makitang magkasama sina Pacquiao at BB sa US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending