LGBTQ members na-bad trip nang makitang magkasama sina Pacquiao at BB sa US | Bandera

LGBTQ members na-bad trip nang makitang magkasama sina Pacquiao at BB sa US

Ervin Santiago - August 04, 2021 - 09:13 AM

Manny Pacquiao at BB Gandanghari

NA-BAD TRIP ang ilang miyembro ng LGBTQIA+ community nang makita ang mga litrato ni BB Gandanghari kasama si Sen. Manny Pacquiao.

Hanggang ngayon kasi ay imbiyerna pa rin ang ilang bading at tomboy sa boxer-politician dahil sa naging komento niti noon tungkol sa same sex marriage.

Tandang-tanda pa rin nila ang sinabi noon ni Pacquiao na “masahol pa sa hayop” ang mga taong pumapatol sa kapwa nila lalaki o babae lalo pa ang magpakasal.

“As Christian, bawal naman yung same-sex marriage. Ginawa ang babae para sa lalake. Ginawa ang lalake para sa babae.

“Common sense lang, nakakita ka ba ng any animals na lalake sa lalake o babae sa babae? Mas mabuti pa yung hayop, marunong kumilala kung lalake o lalake, babae o babae.

“Ngayon kung lalake sa lalake o babae sa babae, e, mas masahol pa sa hayop ang tao. Ang hayop lang, hindi talaga puwedeng magsama ang lalake sa lalake.

“Pero I’m not condemning them, yung marriage lang. Commiting sin against God,” ang pahayag ng senador noon.

At tila nabuhay uli ang galit ng LGBTQ community kay Pacman nang makitang magkasama sina BB at Pacquiao sa ginanap na Bible study sa mismong mansion ng boksingero sa Los Angeles, California.

Ipinost ito ni BB sa kanyang Instagram post at nilagyan ng caption na, “In good company. It was a indeed a pleasure to meet, after a negative swab test, and in fact share a meal with you, Senator Manny Pacquiao. Your humbleness strike me the most…

“Give us a good fight champ. You always do, reason why you’re the greatest boxer the Philippines has ever produced. Simply world class or should I say a class of your own,” sabi pa ni BB.

Kasunod nga nito, bumuhos ang mga hate comments mula sa  netizens, partikular na ang mga pabor sa same sex marriage. Nabwisit sila sa mga papuri ni BB kay Pacquiao na tinawag nilang “homophobic”.

Sabi pa ng iba, hinding-hindi rin nila ito iboboto kapag tumakbong pangulo sa 2022 elections.

Sagot naman ni BB sa kanyang followers, “I’ve heard of this, and must admit I had my second thoughts of going. I was scared of course, to just even feel I’m being discriminated by the PacMan.

“I’ll definitely look forward to be given the chance to inquire about that and try to know what he truly feels toward the community and towards me as an individual.

“But rest assured, I’ve got the best treatment from @mannypacquiao and the whole Team Pacquiao for that matter, the moment he knew I arrived in his house. Sometimes, action speaks louder than words,” aniya pa.

Humingi naman noon ng paumanhin si Pacquiao sa publiko, “I’m sorry for hurting people by comparing homosexuals to animals. Please forgive me for those I’ve hurt.

“I still stand on my belief that I’m against same-sex marriage because of what the Bible says but I’m not condemning LGBT.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I love you all with the love of the Lord. God bless you all and I’m praying for you.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending