Gary V ‘loyal’ sa ABS-CBN kahit walang kontrata: ‘For me, the contract is just a symbol…’
KASABAY ng pagdiriwang niya ng ika-apat na dekada sa entertainment industry, muling pumirma ng kontrata sa Kapamilya network ang binansagang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano.
Present sa contract signing event ang ilang executives ng TV network, kabilang na ang president at CEO na si Carlo Katigbak, chairman Mark Lopez, COO for broadcast na si Cory Vidanes, at officer-in-charge of the finance group na si Paul Piedad.
Siyempre, all-out support din ang kanyang misis na si Angeli Pangilinan na presidente naman ng Manila Genesis Entertainment & Management, Inc.
Para kay Gary V., isang simbolo lamang ang kontrata at mananatili pa rin daw siyang isang Kapamilya kahit wala nito.
“For me, the contract is just a symbol eh,” sey niya sa naturang event.
Baka Bet Mo: Gary V ibinandera ang proud ‘lolo moment’, ipinakilala sa publiko ang unang lalaking apo
Dagdag pa niya, “But even if there was no contract, I think I’d still be here, continuing what I believe I’m called to do, and where I’m called to be at this time and season of my life.”
Kasunod ng kanyang pagpirma ay sinorpresa rin ang veteran singer ng ilang video greetings mula sa kanyang fans, mga katrabaho, kaibigan at pamilya.
Makikita sa naturang videos na binati siya ng “It’s Showtime” hosts na sina Jhong Hilario at Anne Curtis, gayundin ang kanyang “ASAP Natin ‘To” family.
Bukod sa kanila ay nagpaabot din ng mensahe ang kanyang longtime friend at composer na si Tats Faustino, pati na rin ang ilan sa mga kapatid niya na sina Quela Ortiz-Rona at Javi Ortiz
“Congratulations, Gary. Your music has always found a way to pull me out, out of my darkest days. But it’s your love as a brother and support, that is truly immeasurable,” sey ni Quela.
Naging emosyonal naman ang batikang performer at lubos na nagpasalamat sa naging sorpresa sa kanya.
“I wanna thank everyone who has shown me how much I am valued here by putting on screen the people I also value so very, very much,” sambit ni Gary V na tila pinipigilan ang pag-iyak.
Nabanggit din ng singer na marami siyang ideya na nais gawin at ipagpapatuloy pa rin daw niyang ilunsad ang kanyang student-centered advocacy.
“I’m so thankful that because of an advocacy called Face 2 Face, I’ve been able to visit about 54 universities since 2018. Being with them very intimately, a hundred to two hundred students lang per visit, and I just share my life,” sambit niya.
Dagdag pa niya, “I want to do a different kind of tour naman this time, reaching people and meeting people at the point of their need, by being who I am, and with the music that I’ve been blessed with.”
Aniya pa, “I thank my wife, Angeli, who has never stopped believing in me, in those moments when I say, ‘Hon, maybe, baka hindi ko na kaya. Baka, you know… I should do other things na.’ And she’s like, ‘No, I think that God has called you specifically for this’. So really, as long as this heart beats, I’ll continue.”
Related Chika:
Coco Martin todo ang pasasalamat kay Gary V: Kung alam n’yo lang, sobrang mahal na mahal ko kayo!
Angeli Pangilinan umamin: ‘Hindi madaling maging asawa ni Gary’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.