Veteran comedian-impersonator Willie Nepomuceno pumanaw na sa edad 75
PUMANAW na ang veteran comedian at kilalang impersonator ng iba’t ibang personalidad na si Willie Nepomuceno ngayong araw, July 26. Siya ay 75 years old.
Ibinahagi ng pamilya ng aktor at magaling na komedyante ang malungkot na balita sa publiko sa pamamagitan ng social media.
“It is with deep sadness and heavy heart to announce the passing of our beloved father, Willie Nepomuceno, on July 26, 2023, at the age of 75.
“He has peacefully joined our creator,” ang bahagi ng official statement ng pamilya hinggil sa pagpanaw ni Willie Nep na naka-post sa Facebook account ng beteranong komedyante at satirist.
”Details of his wake will be announced soon.
“We ask for your continued prayers. Thank you very much,” ang dagdag pang mensahe ng pamilya ng beteranong komedyante.
Baka Bet Mo: Veteran actress may sikreto kung bakit madalas may proyekto sa TV network
Nag-post din ng mensahe sa kanyang FB page ang anak ng komedyante na si Willie Wilsson Nepomuceno “Farewell, Tatay. Though it’s incredibly hard to say goodbye, I am grateful for the time we had together. Your love, guidance, and presence in my life have shaped me into the person I am today.
“I will forever treasure the memories we created, the laughter we shared, and the lessons you taught me.
“Thank you, Tatay, for your unwavering love and for being an incredible father. Your legacy will forever be engraved in my heart. Rest well, knowing that you are deeply loved and missed,” ang pamamaalam niya sa ama.
Wala namang binanggit kung ano ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Nakilala si Willie Nep sa panggagaya sa mga kilalang artista at mga personalidad mula sa mundo ng politika kabilang na riyan sina former President Ferdinand Marcos, Sr., Fidel Ramos, Joseph Estrada at Noynoy Aquino.
Bentang-benta rin sa mga manonood ang pag-impersonate niya kay Comedy King Dolphy, Fernando Poe, Jr., Jaime Cardinal Sin, former Manila Mayor Alfredo Lim at marami pang iba.
Naging bahagi rin si Willie Nepomuceno ng comedy show na “Ispup” na napanood noon sa ABC-5 (TV5). Nakagawa rin siya ng anim na album.
Impersonator ni Mega na si Ate Shawee humihingi ng tulong: Kaunti na lang susuko na ako…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.