Mismong si Ibyang ang nag-organize ng bonggang bridal shower para sa kanyang future daughter-in-law ilang araw bago maganap ang Big Day ng ArMaine na pinaniniwalaang mangyayari sa July 28.
Base sa mga litrato at video na ibinahagi ng veteran Kapamilya actress, bukod sa kani-kanilang pamilya, dinaluhan din ng ilang malalapit na kaibigan nina Maine at Arjo ang nasabing bridal shower.
Sa Instagram account ni Sylvia makikita ang ilang kaganapan sa nasabing bridal shower kung saan very obvious ang nararamdamang kaligayahan at excitement ni Maine.
“Happy to welcome you to our big happy and crazy family. Soon!!! Mrs Maine Mendoza Atayde ka na,” ang caption ni Sylvia sa kanyang IG post.
“Cant wait for the Big Day. Love you, my soon to be daughter in law,” dagdag pa niyang mensahe para kay Maine.
Comment naman ng TV host-actress sa post ng kanyang future mother-in-law, “Aahhhh thank you so much Roco, Campo, and Atayde family for last night. Had such a wonderful time with everyone. Thank you, tita… future mom!!! Love you.”
Nitong nagdaang buwan, namanhikan naman ang pamilya ni Arjo sa Mendoza family bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa pinakaaabangang wedding ng taon.
Nag-propose si Arjo kay Maine noong July, 2022, makalipas ang apat na taon nilang relasyon.
Kamakailan ay kinumpirma ni Maine na kasama sa mga tatayong ninong nila ni Arjo sa kasal ang iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.
Sinabi rin ng fiancée ni Arjo na medyo magla-lie low muna siya sa showbiz pero hindi raw niya iiwan ang mga kapwa niya Dabarkads sa “E.A.T.”, “I want to explore the things I want to do outside the industry. I want to start a business, and I had planned before na hindi ko natuloy.”