Promise ni Jeric kay Rabiya: Babe, nandito lang ako kahit maghirap tayo, tumaba ka, pumangit ka...mamahalin kita' | Bandera

Promise ni Jeric kay Rabiya: Babe, nandito lang ako kahit maghirap tayo, tumaba ka, pumangit ka…mamahalin kita’

Ervin Santiago - July 24, 2023 - 07:50 AM

Promise ni Jeric kay Rabiya: Babe nandito lang ako kahit maghirap tayo, tumaba ka, pumangit ka...nandito lang ako para sa 'yo, mamahalin kita'

Rabiya Mateo at Jeric Gonzales

“IKINASAL” ang Kapuso celebrity couple na sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales na napanood on national TV at naganap sa afternoon talkshow ni Boy Abunda sa GMA 7.

Nagpasabog ng kilig at good vibes ang magdyowa nang kunwari’y ikinasal sila sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan ibinandera nila ang kanilang “wedding vows” para sa isa’t isa.

Hiniritan kasi ni Tito Boy sina Jeric at Rabiya na magpalitan ng vows tulad ng ginagawa ng mga couples sa kanilang wedding, sa kanyang harapan at sa milyun-milyong manonood.

“Rabiya, Jeric, maraming salamat na kayo ay pumunta dito sa aking opisina at pakikinggan namin ang inyong pangako sa isa’t isa, your vows. Ang nauuna ‘yan babae eh, so Rabiya, ano ang ‘yung vow para kay Jeric?” ang tanong ni Tito Boy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


Game na game naman itong sinagot ni Rabiya, “Siguro to Jeric, thank you so much for being understanding kasi alam ko hindi ako perpekto bilang tao, and I’m still learning to be better everyday.

“So, sana ‘wag mong sukuan ‘yong imperfections ko kasi hindi ko susukuan ‘yong imperfections mo,” mensahe ng Kapuso actress-beauty queen.

Baka Bet Mo:  Sey ni Cristy Fermin, Rabiya bumaklas na sa relasyon nila ni Jeric; hinamon din ang kampo ng aktor

Sey naman ni Jeric, “Pangako ko sa’yo babe na sasamahan kita kahit na anong mangyari, nandito lang ako kahit na maghirap tayo, mawalan man tayo ng pera at trabaho and kahit anong form mo, tumaba ka, pumangit ka, asahan mo, nandito lang ako palagi para sa’yo, mamahalin kita.”

Sundot na tanong ng King of Talk kay Jeric, “Handa kang mapagod?!”

“Handa akong mapagod para sa ‘yo,” ang sey ni Jeric para kay Rabiya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


“Ngayon, you’re now officially husband and wife, you may kiss the bride,” ang chika pa ni Tito Boy sa magdyowa.

Samantala, no regrets si Rabiya sa pagbibigay niya ng second chance sa relasyon nila ni Jeric. Tanong ni Tito Boy sa dalaga, “What made you decide that you know this relationship that this love; is, was, is worth fighting for?”

Sagot ni Rabiya, “Alam mo Tito Boy, kasi noong ako lang mag-isa, mas hirap ako na wala siya. Parang mas okay na lang na kainin ‘yong pride ko.

“You know, to learn to understand, kaysa nawala siya. So, parang doon ko na-realize na, we need to give this relationship a second time and hindi ko siya pinagsisihan,” sabi ng dalaga.

Mensahe naman ni Jeric kay Rabiya, “Thank you. Thank you kasi hindi mo pinagsisihan and ako naman, ako din, like ‘yong realization ko dito Tito Boy, ang dami kong naging relationship in the past.

“Pero ito ‘yong worth fighting for kasi noong naghiwalay kami, hindi ko talaga natiis, hindi ko siya natiis, ibig sabihin, true love talaga ‘yong ganu’n,” sey pa ni Rabiya.

Rabiya umaming 1 week lang tumagal ang hiwalayan nila ni Jeric, grabe ring magregalo: ‘Babaeng bakla talaga ‘ko! Namimigay din tayo ng support!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rabiya, Jeric in-unfollow sa IG ang isa’t isa, tuluyan na nga bang naghiwalay?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending