Anak ni Manny Pacquiao na si Michael pumasok na sa pagnenegosyo sa House of Franchise | Bandera

Anak ni Manny Pacquiao na si Michael pumasok na sa pagnenegosyo sa House of Franchise

Jan Escosio - July 21, 2023 - 10:53 AM

Anak ni Manny Pacquiao na si Michael pumasok na sa pagnenegosyo sa House of Franchise

Michael Pacquiao

ISA na ring negosyante ngayon ang 21-anyos na si Michael Pacquiao, anak ni world boxing legend Manny Pacquiao.

Pumirma na ang rapper at student- athlete sa House of Franchise.

Taon 2020 nang ipamalas ng nakakabatang Pacquiao ang kanyang talento sa pag-awit sa pamamagitan ng kanyang debut single “Only You.”

Simula noon ay nakilala na siya nang husto sa industriya ng musika dahil na rin sa  pinag-usapang “collaboration” nila ng kaibigang si Michael Bars, ang “Pac-Man.”

Sa kanyang pagpasok sa House of Franchise, ipinamalas naman ni Michael Pacquiao ang kanyang determinasyon na hubugin ang sariling magandang kinabukasan at makapagbigay din ng magandang oportunidad sa kanyang kapwa.

Baka Bet Mo: Michael Pacquiao inatake rin ng depresyon: ‘Just because mayaman kami wala nang problema, money doesn’t solve all problems’

Itinatag ang House of Franchise nina Jonathan So at Carlito Macadangdang at naging kilala dahil sa mga high-quality at world class products para sa mga Filipino at at banyaga.

Lumago ito nang husto dahil sa kanilang progressive commission structure, at panghihikayat sa kanilang distributors na makabuo ng tapat na mga kliyente para sa mas matatag at maunlad na kinabukasan.

Ito rin ang nagsilbing pintuan sa maraming Filipino na naghahanap ng magadang oportunidad sa pagnenegosyo.

Matatagpuan ang House of Franchise sa 35 Shaw Boulevard, Brgy. San Antonio, Pasig City.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kris Bernal nagagawa pa ring magbigay ng libreng pagkain kahit hirap na hirap sa negosyo

Asawa ng kilalang negosyante sa showbiz nag-iiba ang ugali kapag nalalasing, paano na kung matuloy ang pagtakbo sa susunod na eleksyon?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending