Kris Bernal nagagawa pa ring magbigay ng libreng pagkain kahit hirap na hirap sa negosyo | Bandera

Kris Bernal nagagawa pa ring magbigay ng libreng pagkain kahit hirap na hirap sa negosyo

Ervin Santiago - August 17, 2021 - 08:33 AM

Kris Bernal

SA kabila ng mga pinagdaraanan niyang challenges bilang negosyante, nagawa pa ring magbahagi ng tulong ni Kris Bernal sa mga nangangailangan natin mga kababayan.

Aminado ang aktres na hanggang ngayon ay nahihirapang makabangon ang mga negosyo niya dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic pero ginagawa niya ang lahat para maipagpatuloy ang mga ito para na rin sa kanyang mga empleyado.

Ngunit kahit nga hirap na hirap na, talagang humanap pa rin ng paraan si Kris para makapag-abot ng kaunting ayuda sa mga bayaning frontliners na wala pa ring pagod na nangangalaga sa mga tinatamaan ng killer virus.

Sa kanyang Instagram page, ipinost ng dalaga ang litrato ng mga frontliners na nabigyan ng free meals mul sa kanyang restaurant na House of Gogi.

Kabilang sa mga nabibiyayaan ng libreng pagkain ay ang mga nurse sa isang ospital, mga security guards at iba pang health workers.

Aniya sa caption, “Seriously, business is not just about the abundance of money. It’s also about being able to share your blessings and give back.

“It’s about who I have lifted up, who I’ve made feel better. It’s about what I have given back,” aniya pa.

Sey pa ng fiancée ng negosyante ring si Perry Choi, hindi tumitigil ang kanyang restaurant sa pagpapadala ng libreng meals sa mga frontliners mula pa noong magsimula ang pandemya.

“We donate where we can. We giveaway our excess to reduce food waste.

“My businesses would not have survived the pandemic without the love and support from all of you. You all just keep blowing me away.

“With so many restaurants to choose from, I couldn’t be more grateful when you choose Gogi! It means the world to me!” mensahe pa ni Kris.

Nanawagan din ang aktres sa lahat ng nagnanais na mag-donate ng libreng food. Aniya, makipag-ugnayan lang sa kanyang staff para sa delivery arrangement.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Remember the impact you make every time you shop small, shop local, and shop for a cause,” paalala pa ni Kris.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending