Jessy nagpaka-fan girl kina Dingdong at Marian, wish makatrabaho sa serye o pelikula: 'Kahit julalay lang nila, tatanggapin ko talaga' | Bandera

Jessy nagpaka-fan girl kina Dingdong at Marian, wish makatrabaho sa serye o pelikula: ‘Kahit julalay lang nila, tatanggapin ko talaga’

Ervin Santiago - July 17, 2023 - 07:57 AM

Jessy nagpaka-fan girl kina Dingdong at Marian, wish makatrabaho sa serye o pelikula: 'Kahit julalay lang nila, tatanggapin ko talaga'

Jessy Mendiola, Marian Rivera at Dingdong Dantes

NAGPAKA-FAN girl ang aktres at celebrity mommy na si Jessy Mendiola sa Kapuso Royal Couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Kung mabibigyan daw ng chance, gustung-gusto ni Jessy na makatrabaho sina Dong at YanYan sa isang proyekto na matagal na raw niyang pinapangarap.

Sa isang panayam kasi, natanong ang wifey ni Luis Manzano kung sino sa mga Kapuso stars ang type niyang makasama sa isang project dahil nga usung-uso na ngayon ang collaboration ng mga TV Network.

“Oh my goodness! Siguro si Marian. Grabe, ano talaga e…” ang biting sagot ni Jessy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


May nag-suggest naman na pwedeng-pwede raw silang gumanap na mag-sisteraka sa teleserye dahil pareho silang mestisa, “Talaga? Kahit nga julalay (alalay) lang niya, tatanggapin ko talaga. Ha-hahaha!

“Kasi sobrang ano niya… even yung family niya, pina-follow ko sa social media, and I really look up to her!” sey ni Jessy.

Chika pa ng aktres kung bakit idol na idol niya ang Kapuso Primetime Queen, “Kasi nakakatuwa yung pag-aalaga niya sa mga anak niya at hands-on siyang mom, so parang feeling ko sa ganu’ng aspect, medyo magdya-jive kami.

“So yun, I think she’s a good actress also and she’s the queen, di ba, so I really want to work with her,” sabi ni Jessy sa naturang interview.

Pangarap din daw ng asawa ni Luis na maka-work si Dingdong Dantes, “Kung sa lalaki naman, si Dingdong. O, di ba mag-asawa? Ha-hahaha!

Baka Bet Mo: Jessy umaming may ‘attitude’; nakatanggap rin ng indecent proposal

“Kahit PA (personal assistant) nilang dalawa tatanggapin ko! Kasi si Dingdong naman, I think I’ve met him once, he’s so kind, and sabi ko nga siguro maybe one day makatrabaho ko rin siya,” chika pa ni Jessy.

Umaasa ang aktres na sana’y very soon ay makabalik na siya sa pag-arte, “Sana, sana. Lord sana!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sey pa ng first-time mom, six months pa ang hiniling niya sa kanyang management para matutukan ang pag-aalaga sa panganay nila ni Luis na si Isabella Rose.

“Actually, nag-i-start pa lang now, ang gagawin ko baka mag-mini series muna ako. Actually, marami ding magpi-pitch sa management ko, as in literally first… parang kumbaga ito yung first month na magtatrabaho talaga ako.

“Kasi sinabi ko, ‘Please pag six months na (si Baby Rosie), saka na tayo mag-start.’ And I’m very grateful kasi yung mga brands na katrabaho ko ngayon, yung mga nag-o-offer, yung mga pitching also, talagang ano sila, they were gracious enough to give me time.

“They were generous na, ‘Okay sige, we will give you time with your baby.’ Yung mga endorsements ko talagang binigyan nila ako ng… so ngayon naghahabol ako,” at tumawa ang aktres.

“Sabi ko, ‘No, no, no, gusto kong bumawi.’ So this month, talagang ishu-shoot ko lahat ng kailangan kong i-shoot,” aniya pa.

Neri Miranda nagpaka-fan girl kay Heart: Soooobrang ganda mo! Para kang Barbie!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie nagpaka-fan boy sa concert ni Regine; tinawag ni Jaya na ‘best vocalist in the entire world’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending