Sarah, Matteo may sumpaan na; Wag na wag aamin sa relasyon | Bandera

Sarah, Matteo may sumpaan na; Wag na wag aamin sa relasyon

Ambet Nabus - October 19, 2013 - 03:00 AM

Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

NANINIWALA kami as an observer and a real Popster, totoong masaya ang puso ngayon ni Sarah Geronimo.

Bukod kasi sa pinaka-consistent ito sa pagsasabi at pakikiusap na ayaw niyang pag-usapan ang nauugnay ngayon sa kanya na si Matteo Guidicelli, sinabi nitong mahalaga na gawin niya yung dapat na ginawa niya noon pa.

“Inspired naman po at masaya ang puso ko,” sey pa nito sa amin during her presscon for the “Perfect 10” concert niya na magaganap ngayong Nov. 15 sa Araneta Coliseum at sa Nov. 30 sa SM MOA Arena.

Kailangan daw na maging inspired siya dahil being in the business for 10 years, she has learned to value people, friends and family na nagpapanatiling “on her feet” siya sa mga bagay-bagay.

Kahit anong “push” ng mga kasamahan sa panulat na paaminin si Sarah, puro paiwas at walang direktang binanggit ang aktres-TV host sa lagay ng puso niya maliban sa pagsasabing masaya siya at balanse ang buhay niya sa ngayon.

Pero nang banggitin niya ang pakiusap na huwag nang isama si Matteo sa usapin at bigyan naman sana ng “privacy” ang kanyang lovelife, lahat nga ay nagkaisa sa pagsasabing mukhang sila na nga.

Hindi kasama si Matteo sa anniversary concert ni Sarah kaya gusto rin nitong iiwas ang aktor sa mga magsasabing baka magamit lang ito sa publicity ng concert niya.

Wala pang binanggit na special guests si Sarah pero dream daw niyang maging bahagi sana ng selebrasyon niya si Regine Velasquez na mananatili daw sa puso niya bilang kanyang idolo. Nabanggit din niya si Lea Salonga at mga kapwa niya coach sa The Voice.

Still on Matteo, noong makorner namin ito minsan sa isang event sa Makati ay tinukso namin ito tungkol kay Sarah at noon nga niya kami pinakiusapan na “ibalato” na lang daw sa kanya ang pagiging “suitor” niya ng Pop Princess.
That was mga two months back na rin kapatid na Ervin kaya ngayong naramdaman namin si Sarah. Hmmmm, tila may malalim na ngang nagaganap sa special friendship nila.

Teka lang, hindi kaya gusto lang nilang itago talaga kay Mommy Divine ang kanilang tunay na relasyon? Baka nga naman bigla kasing malasin pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending