Dingdong ratsada sa trabaho, walang kapaguran: ‘Hindi ako nawawalan ng oras sa aking pamilya, nagagampanan ko pa rin ‘yung tungkulin ko sa kanila’
IN FAIRNESS, parang kailan lang nu’ng magsimula ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes bilang host ng “Amazing Earth,” pero limang taon na pala ngayon ang nakalilipas.
Nagsimula ang 3-part 5th anniversary special ng award-winning infotainment program ng GMA 7 sa bago nitong tineslot, Biyernes, 9:35 p.m., with more exciting adventures featuring stunning stories about animals and nature.
“Your weekend adventure will now start with Amazing Earth every Friday night. We will set your mood for the weekend dahil Amazing Earth talks about adventure, planet, animals, inspiring stories, and many more.
View this post on Instagram
“So doon pa lang maiisip na nila kung ano ang pwede gawin pagdating ng weekend having been inspired by the stories,” sabi ng award-winning actor-TV host.
“Sa ating 5th anniversary, gusto nating may bago tayong maipapakita to our loyal and new viewers. We will feature new foreign series in Wild Dynasties, pero we will also present the local version of it.
“Every week marami rin tayong mga social media personality na makakasama. May local stories silang gagawin at uusbong on their own dahil sa kanya-kanyang discoveries.
Baka Bet Mo: Hiling ng fans sa GMA: John Lloyd, Bea, Dingdong, Marian pagsama-samahin sa teleserye
“Now, we are able to compile these and dig deeper in terms of kung ano talaga ang nasa likod ng mga kwentong ito na naikikwento rin namin sa mga manonood,” aniya pa.
Itinuturing din ni Dong na isa sa biggest blessing sa kanyang buhay at career ang “Amazing Earth”, “This is the busiest ever in my career but for me being busy is good. ‘Yung pinakamahalaga naman diyan is hindi ako nawawalan ng oras sa aking pamilya and nagagampanan ko ‘yung mga tungkulin ko properly.
“At siyempre, nagagawa ko ang lahat ng iyon ng masaya kasi I really love what I do and I love my job here in the Network. It’s very fulfilling na maikwento ang mga bagay na ito especially through Amazing Earth and fulfilling din na gumanap sa ibang roles.
View this post on Instagram
“Most importantly, it helps me grow as an artist and being part of Amazing Earth as a storyteller also helps me grow as a citizen,” aniya pa.
Dagdag pa ng husband ni Marian Rivera, “Siyempre ‘yung pinakamahalaga sa lahat is ‘yung leadership by example. Kailangan dito palang sa tahanan pinapakita ko na sa kanila kung ano ba ‘yung dapat at hindi.
“Dapat maging honest and open ka rin para kung magtanong ang mga bata, mai-e-explain mo nang maayos. I think isa sa strengths ng Amazing Earth ay ‘yung mga kwento ng hayop at kalikasan na usually ay very complicated, nagagawa nating very interesting dahil ginagawa nating localized ‘yung kwento. Hinahambing natin sa pinagdadaanan ng mga tao.
“So dahil doon, nahu-humanize natin ‘yung kwento at mas nagiging madali para maunawaan whether ng bata o matanda,” sey pa ng aktor.
Dingdong tatakbo nga bang senador o kongresista sa Eleksyon 2022?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.