Sunshine Dizon sa 2 years na pamamahinga sa pag-arte: ‘To be honest, I wasn’t very sure kung babalik pa ako’
INAMIN ni Sunshine Dizon na sa loob ng dalawang taong pamamahinga sa pag-arte sa telebisyon at pelikula ay nagdalawang-isip siya kung babalik pa siya sa mundo ng showbiz.
Ngunit nang ialok daw sa kanya ng Dreamscape Entertainement ang “Pira-Pirasong Paraiso” at nabasa nang buo ang script nito ay agad daw niya itong tinanggap.
“As everybody knows, I was on hiatus for almost two years when this was offered to me. To be honest, I wasn’t very sure kung babalik pa ako.
View this post on Instagram
“Pero nu’ng nag-usap kami ng manager ko, sabi ko parang ngayon lang ulit ako nakabasa ng script na very challenging, very interesting, and parang bago sa panlasa, bago lahat.
“So sabi ko parang I can’t say no. Parang I feel like I really have to do it,” pahayag ni Sunshine sa grand presscon ng “Pira-Pirasong Paraiso” last July 13.
Todo rin ang pasalamat niya sa head ng Dreamscape na si Deo Endrinal, at sa ABS-CBN dahil sa kanya ibinigay ang project na magsisilbing comeback niya sa afternoon drama.
“It has been my home, the afternoon slot, and I’m so excited na makikita na naman ng mga fans at masayang masaya ako sa pagbabalik ng ABS-CBN sa panghapon and kaparte ako nu’n. Maraming salamat,” aniya pa.
Matatandaang nitong nagdaang May nang ibandera ni Sunshine na makakasama nga siya sa unang collaboration ng ABS-CBN at TV5.
Ang iba pang bibida sa naturang project at sina Elisse Joson, Alexa Ilacad, Charlie Dizon, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, KD Estrada, Epy Quizon, Art Acuña, Markus Paterson at Argel Saycon.
View this post on Instagram
Paglalarawan pa ni Sunshine sa kanyang challenging role sa serye, “You know it’s so hard sometimes to differentiate characters, eh. I think as an actor it depends on how you attack it. Siguro ang difference nagyon, mahirap basahin yung character ni mamshie.
“Kumbaga para siyang Pandora’s box na marami siyang tinatago sa mga nakaraan nila nung love of her life kaya meron siyang wall.
“Deep inside, nanay siya na longing for pagmamahal ng mga anak and yet somehow, how the story goes, yung mga batang inalagaan niyang yun ay magkakaroon ng kanya-kanyang landas.
“So parang masakit na naman para sa kanya. Hindi na naman natin alam kung paano babangon si Osang sa mga kumbaga pagkabigo na ganu’n,” dagdag pa niyang chika.
Kamakailan, may hugot ang aktres para sa kanyang 40th birthday, “So as they say, life begins at forty. Guess [I] will be doing that starting now. Thank you for all the love and support.
“Promise that no matter how others may have painted a different picture of me, I will always strive to be a better human being in spite of and despite of,” aniya sa kanyang Instagram post.
“Bilog ang mundo, minsan sa taas minsan sa baba. Matutong sumabay sa agos ng buhay. Importante wala kang tinapakan at niyurakan.
View this post on Instagram
“Now that I’m 40, the best thing I learned from life is choose your friends wisely and who you allow to come in your circle cause you never know when you’re actually raising a snake you treat as more than a family but will eventually swallow you whole,” ang makahulugan pang mensahe ni Sunshine.
Nadine Lustre hindi na bet makipag-loveteam: I’m already past that
Rico Blanco nabahala sa takbo ng relasyon nila ni Maris: Sabi ko, ‘Hala, hindi pa tayo nag-aaway!’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.