Herlene Budol 'sinayang' daw, nangakong gagalingan sa Miss Tourism World | Bandera

Herlene Budol ‘sinayang’ daw, nangakong gagalingan sa Miss Tourism World

Therese Arceo |July 15,2023
facebook
share this

Herlene Budol ‘sinayang’ daw, nangakong gagalingan sa Miss Tourism World

Therese Arceo - July 15, 2023 - 03:11 PM

Herlene Budol 'sinayang' daw, nangakong gagalingan sa Miss Tourism World
MAY pasaring nga ba ang ang beauty queen-comedienne na si Herlene Budol sa naging resulta ng Miss Grand Philippines 2023?

Bigo kasi ang dalaga na masungkit ang korona sa nagdaang coronation night noong Huwebes, July 13, na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Noong coronation night pa lang ay kita na ang lungkot sa mukha ni Herlene matapos mabanggit ang pangalan niya bilang Miss Tourism Philippines.

Aware naman ang lahat na ang goal talaga ng dalaga ay masungkit ang korona bilang Miss Grand Philippines at maging representative ng bansa sa Miss Grand International.

Sa isa sa kanyang Facebook post ay ibinahagi niya ang post ng Bekis of Pageantry 2.0 ng kanyang larawan na may caption na “Bakit malungkot ang beshie ko?”

Sagot ng Kapuso star, “Kase sinayang ni angkol kaya Sa ms tourism tayo tatambling ng bongga.”

Baka Bet Mo: Herlene Budol humirit sa founder ng Miss Grand International kahit hindi pa nasusungkit ang korona: ‘Promise hinding-hindi kita bubudulin!’

Umani naman ito ng samu’t saring reaksyon mula sa madlang netizens.

“Walang sinayang [Herlene] FYI [laughing emoji],” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “hahaha wag kasi mag expect ng todo masasaktan [ka lang] .sports [lang] tanggapin mo [na lang].”

“Pansin ko nga ms. herlene sa lahat ng nakoronahan ikaw ang di naka smile. okay lang naman yun kesa nganga,” sabi naman ng isa.

May ilan pa na sinabihang maging grateful na lang daw ang dalaga lalo na’t nagwagi pa rin naman siya ng titulo sa naturang patimpalak.

“Be happy to what you receive,you are still lucky. And the best award will came to you in a right time,and you need more work for it,,congratulations,” payo ng isang netizen kay Herlene.

Saad ng isa, “Mima wag tayong mag mukhang bitter! I support you all the way pero be thankful sa nakuha na crown. Ms.Tourism International is one of the great platform that you can showcase your advocacy,beauty and brain.”

Pagpuna naman ng isa kay Herlene, “Mas ok nung sumali ka sa BBP kasi sobrang grateful ng awra at napa wow kming lahat. Pero ngayon bakit parang d ka happy? Be grateful and congrats pa rin sayo.”

Nakatakda namang lumaban internationally ang dalaga sa Miss Tourism World na gaganapin sa London, November 2023.

Related Chika:
Herlene Budol iniyakan ang pamamaalam ng TVJ sa GMA, umaming inalok na maging host sa bagong ‘Eat Bulaga’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Herlene Budol pasok sa Top 15 finalists ng Miss Grand Philippines 2023, iba pang kandidata pinangalanan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending