Fans nina Wilbert Ross at Yukii Takahashi abangers na sa finale ng 'Ang Lalaki sa Likod ng Profile', may happy ending pa kaya para kina Bryce at Angge? | Bandera

Fans nina Wilbert Ross at Yukii Takahashi abangers na sa finale ng ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’, may happy ending pa kaya para kina Bryce at Angge?

Ervin Santiago |July 14,2023
facebook
share this

Fans nina Wilbert Ross at Yukii Takahashi abangers na sa finale ng ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’, may happy ending pa kaya para kina Bryce at Angge?

Ervin Santiago - July 14, 2023 - 10:54 AM

MAKALIPAS ang 13 linggong pagpapakilig, pagpapatawa, pagpapaiyak, at pagpapaibig sa fans, magsasara na ang kuwento ng “Ang Lalaki sa Likod ng Profile” ng Puregold Channel.

Nasaksihan ng viewers nang unang magkakilala sina Angge (Yukii Takahashi) at Bryce (Wilbert Ross) sa digital na mundo; ang pagiging magkaibigan at pagpapalagayang-loob ng dalawa, at ang pagkakaroon nila ng malalim na damdamin para sa isa’t isa.

Noong nag-meet na sila sa “real world”, ramdam na ramdam ang kilig at nagtanong ang mga manonood: magiging sila na kaya?

Pero dahil sa pangamba, takot, at iba pang mga bagay, hindi nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na maituloy ang potensyal na pag-iibigan. Umamin lamang sina Bryce at Angge noong huli na ang lahat.

Nagkabalikan nang muli sina Angge at ang kaniyang ex na si Jerry (Anjo Resurreccion), at muling naglayo sina Bryce at Angge, sa kabila ng nararamdaman.

Sa gitna ng kaba at pagkasabik na naipadama ng seryeng ito sa mga manononood, naghihintay ang mga tagasubaybay at umaasa sa isang happy ever after sa dulo ng lahat. Tingnan natin kung ano ang mga masasabi ng supporters ng “ALSLNP” tungkol sa kuwento ng pag-ibig na ito.

“End game” na ba para kina Jerry at Angge? Anong gagawin ni Bryce kung ganito nga?

Suspetsa ng mga fan, dahil sa pagiging urong-sulong ni Bryce, nagkabalikan sina Angge at Jerry. Bagamat nakakalungkot ito para sa shippers nina Bryce at Angge, naniniwala silang karapat-dapat lamang na ang makatuluyan ni Angge ay isang lalaking matapang na nagtatapat ng kanyang pagmamahal.

Baka Bet Mo: Wilbert Ross babu na sa paghuhubad at pagpapa-sexy; pa-wholesome sa digital series na ‘Ang Lalaki Sa Likod Ng Profile’

Anong naghihintay kina Ketch (Migs Almendras) at Genski (Kat Galang)?

May kuwentong pag-ibig din ang kuwela at makulit na mga BFF ni Bryce na sina Ketch at Genski, at natuwa rin ang mga tagasubaybay sa kanilang love story.

Matagal na kinimkim ni Genski ang nararamdaman para kay Ketch, at nalaman niyang ganoon din pala si Ketch. Kaya lang, kinailangan niyang mangibang-bansa.

Ngayon, tinatanong ng mga manonood kung may kinabukasan ba ang dalawa, dahil talaga namang bagay na bagay ang mga ito.

Aprub ba si Bessie (Marissa Sanchez) kay Angge?

Noong nakilala na ng nanay ni Bryce na si Bessie si Angge, hiniling niya rito na huwag sasaktan ang anak. Nagbago man si Bessie sa pagtakbo ng serye, nag-aalala pa rin ang ilang mga tagapanood. Tatanggapin ba ni Bessie si Angge, kung magkatuluyan ang dalawa?

Magtagumpay kaya sina Bryce at Angge sa kanilang mga pangarap?

Sa nakaraang mga episode, ipinakitang nahihirapan si Bessie sa negosyo ng kanilang pamilya, ang Veggie Boy, at hangad niyang sumalo rin si Bryce dito.

Habang si Angge naman ay isang manunulat ng tula, at ang kaniyang kaalaman sa pag-ibig ang tumulong kay Bryce sa pakikipag-usap sa mga babae noong virtual wingwoman siya nito.

Gusto rin ng mga tagasubaybay na magtagumpay ang dalawa sa kanilang mga personal na buhay, at na makita nilang mangyari ito kapag pinanood ang finale.

May pag-asa ba sa tunay na pag-ibig sina Bryce at Angge?

Para sa mga naniniwala sa true love, posible pa ang happily-ever-after para kina Bryce at Angge. Ang iba naman, maliit na lamang ang pagkapit sa posibilidad subalit patuloy na umaasa.

Kung masusunod ang fandom, tama lamang na magkatuluyan ang dalawa. Naging mas maayos at mahusay na tao si Bryce dahil sa pagpapakita ni Angge sa kaniya ng kaniyang potensyal.

Si Bryce naman, nanatiling nandiyan para kay Angge sa masaya at malungkot na mga pangyayari, at pinaligaya ito sa taglay niyang pag-aalaga at kabutihan.

Hindi na nakapagtataka na gusto lamang ng fans ng pagtatapos na maibibigay ang hinahanap ng kanilang mga puso. Tutukan ang finale ng “Ang Lalaki sa Likod ng Profile,” na ipalalabas sa opisyal na YouTube channel ng Puregold bukas, July 15, 7 p.m..

Related Chika:

5 bonggang rason kung bakit pak na pak sa madlang pipol ang digital series na ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angeline Quinto masayang nakipag-bonding kila Vice Ganda kasama ang non-showbiz dyowa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending