Kim Molina, Jerald Napoles tuloy ang swerte sa TV5, fun-seryeng 'Team A' binigyan ng season 2 | Bandera

Kim Molina, Jerald Napoles tuloy ang swerte sa TV5, fun-seryeng ‘Team A’ binigyan ng season 2

Ervin Santiago |July 12,2023
facebook
share this

Kim Molina, Jerald Napoles tuloy ang swerte sa TV5, fun-seryeng ‘Team A’ binigyan ng season 2

Ervin Santiago - July 12, 2023 - 09:22 AM

Kim Molina, Jerald Napoles tuloy ang swerte sa TV5, fun-seryeng 'Team A' binigyan ng season 2

Jerald Napoles at Kim Molina

SURE na sure kaming ikatutuwa ng mga KimJe fans ang pagpapatuloy ng kanilang paboritong fun-serye sa TV5, ang “Team A”.

This time, dobleng katatawanan at mga sorpresa ang hatid ng “Team A Season 2”. Dahil nga sa matagumpay na maiden season nito, nagbabalik ang Team A para sa all-new season nito na mapapanood na sa TV5 simula sa July 15.

Matatandaang sa unang season ng “Team A,” naging kumplikado ang simple at masayang pamumuhay nina Ian (Jerald Napoles) at Janet (Kim Molina), kasama ang kanilang nag-iisang anak na si Yeye ( Gianna Iguiron), dahil sa patuloy na pagbabangayan ng kanilang mga magulang, ang nanay ni Janet at tatay ni Ian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jerald Napoles (@iamjnapoles)


May mga hatid na sorpresa din ang nakaraang season finale ng “Team A”, kasama na rito ang pagkansela ni Ian sa kanyang trip to South Korea at ang pagdiskubre niya ng pregnancy test na nag-iwan ng malaking misteryo kung sino nga ba ang tunay na nagdadalantang-tao sa kanilang pamilya.

Sa Season 2 ng programa, ang real-life couple at multi-talented artists na sina Kim at Jerald, o mas kilala bilang KimJe sa kanilang mga fans, ay patuloy na gagampanan ang kanilang roles bilang mag-asawa sa makulit at masayang Ambida Family, ang “Team A.”

Baka Bet Mo: Kim Molina at Jerald Napoles excited sa bagong ‘blessing’, bibida sa bagong comedy serye

Sa kanilang bagong tahanan sa Friendly Village, magugulo ang kanilang tahimik na buhay sa pagsulpot ng isang di inaasahang karakter na susubok sa relasyon ng mag-asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Molina (@kimsmolina)


Kukumpleto sa kwelang cast ng “Team A Season 2” sina Yayo Aguila, Gene Padilla, Anjo Yllana, Cindy Miranda, Marc Acueza, Ashtine Olviga, at Ethan David na maghahatid ng kabaliwan at katatawanan na mas lalong ikakatuwa ng mga viewers.

Mula sa direksyon ni Mervyn B Brondial at panulat ni Mel Mendoza-Del Rosario, naging posible ang pagbabalik ng Team A sa talento at production expertise ng Cignal, Studio Viva at Sari Sari Channel.

Isama ang buong pamilya at makisaya sa Ambida Family sa premiere ng “Team A Season 2” ngayong Hulyo 15 at tuwing Sabado ng 5 p.m. sa TV5.

Sharon may pa-throwback paandar para kay Frankie; ibinandera rin ang pagliit ng ‘size’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jerald sa pagpo-propose kay Kim: Madali lang namang magplano ng pagpapakasal, pero mahirap talagang panindigan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending