AlDub Nation ipagdiriwang ang 8th anniversary ng ‘Kalyeserye’, Alden ayaw nang basagin ang trip ng fans nila ni Maine
SA DARATING na July 16, Linggo, ay ipagdiriwang ng loyal fans nina Maine Mendoza at Alden Richards ang 8th anniversary ng AlDub Kalyeserye.
Yes! Kahit na matagal nang wala ang tambalang AlDub na nagsimula sa longest-running noontime show sa Pilipinas na “Eat Bulaga”, nandiyan pa rin ang mga diehard supporters nina Maine at Alden.
In fairness, until now ay may mga fans pa rin ang dating magka-loveteam na muli silang magkakasama sa isang project pagdating ng tamang panahon.
View this post on Instagram
Hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa na darating ang araw na magtatambal uli ang kanilang mga idol kahit pa ikakasal na si Maine kay Congressman Arjo Atayde.
Sa panayam ng press kay Alden sa presscon ng “Battle of the Judges” kung saan siya ang magsisilbing host, natanong ang Kapuso matinee idol kung ano ang mensahe niya sa mga fans nila ni Maine na nakatakda ngang magdiwang para sa ika-8 anibersaryo ng AlDub.
Baka Bet Mo: Herlene Budol nag-sorry matapos halikan si Alden: Baka kasi mabaho ‘yung hininga ‘ko kaya umayaw siya!
“Sinagot ko po lahat ng speculations that if we’re married? We’re not married. Kung may anak man po kami? Wala po kaming anak, so on and so forth.
“I’m sure si Maine po has said her part as well. Ngayon, we can only explain so much,” simulang pahayag ng Asia’s Multimedia Star.
Aniya pa, “Pero kung yung iba po talaga is hindi namin mapaniwala and kung masaya po sila sa ganitong set-up, ayaw ko na po silang i-deprive of that.
View this post on Instagram
“Kumbaga, kung doon po sila masaya, then go on. Kumbaga, at the end of the day po, malaki po ang pagpapasalamat ko sa kanila for the support that they had given Maine and I during our time po sa AlDub,” ang punto pa ng premyadong aktor.
Samantala, mapapanood na ang “Battle of the Judges” sa July 15, Sabado, 7:15 p.m., sa GMA 7.
Makakasama naman ni Alden sa naturang reality talent search bilang mga judge sina Boy Abunda, Bea Alonzo, Atty. Annette Gozon-Valdes at Jose Manalo.
Bukod dito, super happy din si Alden dahil nakapasok sa 2023 Metro Manila Film Festival ang pelikula nila ni Sharon Cuneta na “A Mother and Son’s Story” mula sa direksyon ni Nuel Naval.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.