Hiling ng Dabarkads: Sana si Kimpoy o si Bitoy ang gumanap na Isadora sa AlDub kalyeserye | Bandera

Hiling ng Dabarkads: Sana si Kimpoy o si Bitoy ang gumanap na Isadora sa AlDub kalyeserye

Cristy Fermin - October 15, 2015 - 02:00 AM

kimpee de leon

Kahit saan kami magpunta ngayon ay panay-panay ang tanong ng ating mga kababayan, sino raw ba si Isadora, ang idadagdag na karakter sa matagumpay na kalyeserye ng Eat Bulaga?

“Mahaba ang buhok ng nakatalikod na babaeng i-pinakikita. Parang babae nga, pero parang may duda ako na lalaking magbebeki-bekihan din ang magiging Isadora, e!

“Sana nga, e, si Keempee de Leon na lang si Isadora. Magaling gumanap na becki si Keempee, sila ni Michael V ang babagay sa naghahanap na mommy ni Yaya Dub!” excited na komento ng becki naming kaibigan na si Sonia.

Kapala-palakpak ang ginawang pagpapalit ng karakter nina Yaya Dub at Jose Manalo nu’ng isang araw, kailangan nilang mag-disguise, takot na takot kasi si Lola Nidora (Wally Bayola) sa sorpresang pagsulpot ni Isadora para kunin na sa kanila ang anak nitong si Maine Mendoza.

Kapag drama ang pinag-uusapan na may halong pagkokomedya ay panalung-panalo si Wally, pero ang buhay pa rin ng grupo ay si Jose Manalo, ang galing-galing kasi niyang umadlib na nasa tamang tiyempo.

“Basta si Jose na ang bumabanat ng comedy, kahit gusto kong maiyak sa lungkot, e, natatawa talaga ako, nakakaya niya akong pahalakhakin na parang wala nang bukas pa!

“Napakagaling talaga ni Jose, ang bilis niyang manggaya, siya ang idol ng tropa namin, siya ang gamot namin sa problema. Napaka-effective niyang komedyante, grabe!” papuri pa ni Sonia kay Jose Manalo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending