Bagong pelikula ng ‘Insidious’ may ‘midnight screening’

Bagong pelikula ng ‘Insidious’ may ‘midnight screening’ sa piling sinehan sa July 5

Pauline del Rosario - July 03, 2023 - 04:37 PM

Bagong pelikula ng ‘Insidious’ may ‘midnight screening’ sa piling sinehan sa July 5

PHOTO: Courtesy Columbia Pictures

DALAWANG araw nalang, ipapalabas na sa mga lokal na sinehan ang bagong pelikula ng hit horror film na “Insidious.”

Ito ang ikalima at huling saga ng pelikula na pinamagatang “Insidious: The Red Door.”

At para mas magkaroon ng thrill ang panonood ninyo, inanunsyo ng Columbia Pictures na magkakaroon ng “midnight screenings” sa mga piling sinehan.

Ibig sabihin niyan, pwedeng mapanood ang pelikula sa madaling araw, 12:01 a.m. sa mismong araw ng screening date nito sa July 5.

Baka Bet Mo: Timothée Chalamet, Zendaya magtatambal sa bagong pelikula ng ‘Dune’

Narito ang listahan ng mga mall na may midnight screening ng bagong “Insidious” movie:

  • Ayala Malls Cinema Greenbelt 3

  • Evia Lifestyle Center

  • Fishermall Cinema QC

  • Nomo Lifestyle Center

  • SM Cinema Bataan

  • SM Cinema CDO Downtown Premier

  • SM Cinema Cebu

  • SM Cinema Clark

  • SM Cinema Dasmarinas

  • SM Cinema Davao

  • SM Cinema Fairview

  • SM Cinema Grand Central

  • SM Cinema Iloilo

  • SM Cinema Mall of Asia

  • SM Cinema Marikina

  • SM Cinema Megamall

  • SM Cinema North Edsa

  • SM Cinema Seaside Cebu

  • Teatro De Dapitan Zamboanga

  • Vista Mall Malolos

  • Vista Mall Pampanga

  • Vista Mall Sta. Rosa

  • Vista Mall Taguig

Ang kwento ng “Insidious: The Red Door” ay iikot pa rin sa pamilyang Lambert na kung saan ay marami pa sa kanilang masamang lihim ang dapat malantad.

Kagaya ng mga naunang pelikula, ang bibida pa rin bilang mga miyembro ng Lambert family ay sina Ty Simpkins, Patrick Wilson, Rose Byrne at Andrew Astor.

Ang setting ng istorya nito ay sampung taon matapos ang mga pangyayari sa “Insidious” noong 2010 at “Insidious: Chapter 2” noong 2013 na kung saan pinahirapan ng “paranormal beings” sina Josh at Dalton Lambert.

Sa inilabas na trailer, mapapanood na makakaranas ng serye ng mga bangungot sina Josh (Patrick Wilson) at Dalton (Ty Simpkins) na nagmula pa sa kanilang madilim na nakaraan.

Bukod diyan ay muli nilang makakaharap ang “supernatural terrors” na nasa likod ng tinatawag na “red door.”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iconic villain ng Marvel ginawan ng sariling pelikula, ibibida ang kwento ng ‘Kraven the Hunter’ bago naging kontrabida

Jennifer Lawrence, Andrew Barth Feldman umaapaw ang chemistry sa ‘No Hard Feelings’, pinuri ng direktor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending