Ara Mina napa-senti mode sa 2nd wedding anniversary nila ni Dave Almarinez: One of my biggest dreams came true!
TILA napa-senti mode ang aktres na si Ara Mina sa pagdiriwang ng 2nd wedding anniversary nila ng mister na si Dave Almarinez.
Sa pamamagitan ng Instagram post ay ibinandera ni Ara ang isang throwback video na ipinapakita ang ilang special moment sa kanilang kasal sa Baguio noong 2021.
Proud pang sinabi ng aktres na ito ‘yung panahon na natupad ang isa sa “biggest dreams” ng kanyang buhay.
At ito raw ay ang magkaroon ng partner na panghabang-buhay.
“Two years ago, one of my biggest dreams came true as I walked down the aisle and said ‘I do’ to the man who would not only love me unconditionally but also be my lifelong partner,” wika niya sa IG post.
Pagbati pa niya sa mister, “Happy 2nd wedding anniversary to the love of my life, my bebe @davealmarinez Love you! [white hearts emojis]”
Baka Bet Mo: Ara Mina susubukan ang natutunang paraan para maging boy ang next baby: ‘It’s not about the position…’
View this post on Instagram
Hindi naman nagpahuli na magpaabot ng mensahe ang kanyang mister, lalo na’t pauwi pa lang ito from Hawaii.
Sa Instagram Story ni Dave ay ibinandera niya ang kanyang sweet message para sa misis.
Sey niya, “I miss my bebe. So Happy Anniversary! I love you and I’ll see you soon.”
Kung maaalala, star-studded ang naging kasal ng dalawa.
Ilan sa mga dumalo ay sina Sunshine Cruz kasama ang boyfriend na si Macky Mathay (half-brother ni Ara), Jenny Miller, Barbie Imperial, Melissa Ricks, Samantha Bernardo, Jaycee Parker, Jessa Zaragoza, Jose Sarasola, Gerhard Acao at marami pang iba.
Habang ang mga kinuna nilang ninong at ninang sa kasal ay sina dating Sen. Manny Villar kasama ang asawang si Sen. Cynthia Villar, Sen. Bong Go, Sen. Richard Gordon, Sen. Ralph Recto at asawang si Congw. Vilma Santos-Recto, San Pedro, Laguna Mayor Lourdes Cataquiz at Robina Gokongwei-Pe.
Sa mga hindi pa nakakaalam, ang asawa ni Ara na si Dave ang siyang CEO ngayon ng Philippine International Trading Corporation (PITC).
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.