Ben&Ben minarkahan ang bagong chapter sa music career

‘Could Be Something’ ng Ben&Ben mapapakinggan na, minarkahan ang bagong chapter sa music career

Pauline del Rosario |June 30,2023
facebook
share this

‘Could Be Something’ ng Ben&Ben mapapakinggan na, minarkahan ang bagong chapter sa music career

Pauline del Rosario - June 30, 2023 - 04:08 PM

‘Could Be Something’ ng Ben&Ben mapapakinggan na, minarkahan ang bagong chapter sa music career

PHOTO: Courtesy Sean Jimenez

KAKAIBANG istilo ng musika ang ibinandera ng OPM band na Ben&Ben ngayong araw, June 30.

Ito ang bagong single nila na pinamagatang “Could Be Something.”

Ayon sa banda, ang bagong kanta ay may dalawang kahulugan depende sa pananaw ng makikinig.

Pupwede raw itong love song o kaya naman isang kanta na nagbibigay pag-asa na kung saan ang isang pagdududa ay nagiging isang paniniwala.

“It’s the revival of hope after being caught in a very cynical place. It’s the feeling you get after meeting someone who unexplainably makes you believe in love again, or finding a new passion that sparks life in you,” sey ng banda.

Ani pa nila, “It offers a reminder to believe, surrender, and let go during challenging times.” 

Kamakailan lang ay nagkaroon ng exclusive media conference ang Ben&Ben at doon nila ipinaliwanag ang mas malalim na mensahe ng kanilang kanta na nais nilang iparating sa fans.

Baka Bet Mo: Ben&Ben balak magtayo ng foundation para sa mga tinutulungang komunidad; Miguel nag-a-adjust pa rin sa married life

Ayon sa percussionist ng banda na si Andrew de Pano, “The message of ‘Could Be Something’ is to remember all of that [the past] and further be part of your future, your present.”

“‘Yung past mo dictates not just what happened before. It becomes part of you in every thing, every moment, every lesson, lahat ng heartbreaks, lahat ng failures, lahat ng setbacks. It becomes part of what you are,” aniya.

Ipinaliwanag naman ng bokalista na si Paolo Benjamin na ang naging inspirasyon sa bagong single ay ang mga kwento ng mga taong nakikilala nila.

“‘Yung inspiration, nanggaling siya sa music na naririnig namin all around and then mga taong nami-meet namin, ‘yung mga kasuotan ng mga nami-meet namin, ‘yung kwento nila and I think it’s something organically came together and it’s what you’re seeing and hearing now,” sambit niya.

Dagdag pa ni Paolo, nais nilang subukan ang iba’t-ibang klase ng genre pagdating sa musika at ito ay sinimulan na nila sa “Could Be Something.”

“It’s more of really taking risk in terms of going out with our comfort zone sa mga bagay na we would usually decide na ‘ah ito comfortable ‘to sa amin’, pero next time, doon tayo sa nakakatakot pero exciting,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Related Chika:

Paolo Guico ng Ben&Ben ibinandera ang weight-loss transformation, matindi ang ginawang sakripisyo

Miguel Benjamin Guico ng Ben&Ben enjoy na enjoy sa buhay may asawa: Both of us grown in effort…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending