Miguel Benjamin Guico enjoy na enjoy sa buhay may asawa

Miguel Benjamin Guico ng Ben&Ben enjoy na enjoy sa buhay may asawa: Both of us grown in effort…

Pauline del Rosario |June 30,2023
facebook
share this

Miguel Benjamin Guico ng Ben&Ben enjoy na enjoy sa buhay may asawa: Both of us grown in effort…

Pauline del Rosario - June 30, 2023 - 03:14 PM

Miguel Benjamin Guico ng Ben&Ben enjoy na enjoy sa buhay may asawa: Both of us grown in effort…

PHOTO: Instagram/@miguelbenjamin_

ENJOY na enjoy ngayon sa kanyang bagong buhay ang vocalist-guitarist ng bandang Ben&Ben na si Miguel Benjamin Guico.

‘Yan ang naging update mismo ni Miguel matapos ang apat na buwan mula nang siya ay ikinasal sa kanyang misis na si Karelle Bulan.

Sa naganap na exclusive media conference ng banda para sa bagong single nila na “Could Be Something” na inilabas ngayong June 30 ay nagkaroon ng pagkakataon ang BANDERA upang kamustahin ang married life ng bokalista.

Ayon kay Miguel, masayang-masaya siya ngayon sa piling ni Karelle at kung siya raw ang tatanungin ay irerekomenda niya ang married life.

Sey niya, “We’re not going into too much detail. As a good friend named Keifer always says, I also say the same thing, it’s just a personal opinion, I really recommend it. I mean, married life.” 

Baka Bet Mo: Paolo Guico ng Ben&Ben ibinandera ang weight-loss transformation, matindi ang ginawang sakripisyo

Agad namang ipinaliwanag ng violinist na si Keifer Cabugao ang pananaw nila ng ka-banda at sinabing, “Kasi kung sure ka na siya na, ‘diba hindi naman nagme-make sense not to move forward without that person.”

Ani pa niya, “It’s gonna like, it has to be done now kasi we have to be one.”

Dagdag pa ni Miguel, “Sobrang na-eenjoy ko siya. And I think the reason why I feel like this is that both of us have grown in effort.”

Nabanggit din ng bokalista na napakarami na niyang natutunan at napagtanto sa buhay may asawa sa ilang buwan na kanilang pagsasama.

At isa na raw riyan ay ‘yung mas tumindi pa ang pagmamahalan nila sa isa’t-isa.

“Kasi pagka kinasal ka pala, ang dami mong growth na – maraming ibang ways na pwede mo siyang mahalin na hindi mo akalain na kaya mo,” sambit ni Miguel.

Matatandaang February 10 nang maganap ang church wedding nina Miguel at Karelle.

Noong 2021 naman ay naibahagi ng bokalista sa isang interview na nasa long distance relationship sila ni Karelle.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paolo Guico ng Ben&Ben tuloy ang paglaban kontra body shaming: Mas masakit kapag malapit sa ’yo ang nakakasakit sa ’yo

Lovi ibinandera ang ‘magic abs’ ni Benjamin: Natumpak n’yo ang tinutukoy ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending