Paolo Guico ng Ben&Ben tuloy ang paglaban kontra body shaming: Mas masakit kapag malapit sa ’yo ang nakakasakit sa ’yo Bandera

Paolo Guico ng Ben&Ben tuloy ang paglaban kontra body shaming: Mas masakit kapag malapit sa ’yo ang nakakasakit sa ’yo

Ervin Santiago |December 06,2022
share this

Paolo Guico ng Ben&Ben tuloy ang paglaban kontra body shaming: Mas masakit kapag malapit sa ’yo ang nakakasakit sa ’yo

Ervin Santiago - December 06, 2022 - 07:57 AM
Paolo Guico ng Ben&Ben tuloy ang paglaban kontra body shaming: Mas masakit kapag malapit sa ’yo ang nakakasakit sa ’yo

Paolo Benjamin Guico

MALALIM ang hugot ng isa sa mga miyembro ng OPM group na Ben&Ben na si Paolo Benjamin Guico patungkol sa body shaming at pambu-bully.

Naibahagi ni Paolo sa madlang pipol ang mga naranasan niyang pambu-bully dahil sa kanyang katawan hindi lamang mula sa mga taong hindi niya kilala kundi maging sa mga malalapit niyang kaibigan.

Nakatanggap ng mensahe ang singer-songwriter mula sa isang Liwanag (tawag sa mga fans ng Ben&Ben) na naging biktima rin ng pamba-body shame, hindi mula sa ibang tao, kundi sa mismong mga kaibigan niya.

“As someone who has experienced this most of my life, mas masakit talaga kapag mas malapit sa ’yo ‘yung nakakasakit sa ’yo,” ang mensahe ni Paolo sa kanilang supporter.

Paalala pa ni Paolo sa lahat ng mga nakaka-experience ng matinding panlalait at pambu-bully, pinakamahalaga pa rin sa lahat ang pagmamahal sa sarili.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Benjamin (@paolobenjamin_)


“Slowly but surely (at alam kong mahirap ‘to), I hope we realize na ang pagmamahal natin sa sarili, ‘di pala kailangan nakabase sa sinasabi ng ibang tao,” lahad ni Paolo.

Matatandaang nagbahagi rin si Paolo noong Marso ng kanyang inspiring message kasunod ang kanyang body transformation. Napakalaki talaga ng nabawas sa kanyang timbang matapos ang pinagdaanang fitness journey.

Mensahe pa ng OPM artist sa Ben&Ben fan, “As you are right now, you’re worthy of being loved.”

Aniya pa, “I know it can be hard to see that when you’re really down and your self-esteem is at rock bottom. But I hope you realize there is wonder within you, right now.

“Rooting for you, Liwanag!” pahabol pa niyang mensahe sa kanilang tagasuporta.

Nagpasalamat naman ang milyun-milyong Liwanag kay Paolo dahil sa inspirasyong hatid niya sa lahat ng mga biktima ng body shaming. Pangako nila, patuloy nilang susuportahan ang Ben&Ben sa lahat ng proyektong gagawin ng mga ito.

Paolo Guico ng Ben&Ben ibinandera ang weight-loss transformation, matindi ang ginawang sakripisyo

Kathryn nagpadala rin ng ‘pampaswerte’ kay Rabiya: Kahit anong mangyari, proud kami sa ‘yo!

Hugot ni Zoren kay Carmina: Huwag na huwag mong pagdududahan ang pagmamahal ko sa ‘yo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending