Mikee kay Paul: 'Grabe 'yung growth niya...'

Mikee kay Paul: ‘Grabe ‘yung growth niya, parang 10 years tinanda niya…’

Pauline del Rosario - April 21, 2024 - 04:05 PM

Mikee kay Paul: 'Grabe 'yung growth niya, parang 10 years tinanda niya...'

PHOTO: Instagram/@mikee

AYON sa Kapuso star na si Mikee Quintos, malaki na ang ipinagbago ng kanyang boyfriend na aktor na si Paul Salas, lalo na pagdating sa pagiging seloso nito.

Ito ang naikuwento mismo ni Mikee nang makachikahan siya sa podcast interview ng “Updated with Nelson Canlas.”

“Rapid nga ‘yung growth niya since I met him,” chika ni Mikee.

Sey pa niya, “Doon pa lang sa point na na-meet ko siya, grabe na ‘yung growth niya and that’s like what? Three years ago lang.”

“Pero kung titingnan ko ngayon, sobrang parang eight, 10 years ‘yung tinanda niya doon sa maturity niya,” patuloy ng aktres.

Baka Bet Mo: Mikee nagselos sa babaeng kakilala ni Paul: ‘Na-bother ako, nainis pero normal naman ‘yun sa magkarelasyon’

Payo ni Mikee para sa mga may dyowa na medyo seloso, “I guess what I can say is don’t try to remove ‘yung ugali ng pagiging seloso, hindi iyon ‘yung solution.”

Lahad niya, “Ang solution is parang iga-garden mo with more water ‘yung trust.”

“Then naturally, mawawala yung pagiging seloso. Just take the trust. Susunod na lang ‘yun, effect na lang siya,” ani pa niya.

Kasunod niyan ay inalala rin ni Mikee na dati raw ay ayaw niyang magkaroon ng partner na nasa showbiz industry, lalo na dahil kasama sa trabaho ang love teams at intimate scenes.

“’Yun pa, sinabi ko sa sarili ko ‘yun na ayoko magkaroon ng relationship with an artista din kasi hindi ko alam how I’m gonna deal with it,” kwento ng aktres.

Sambit pa niya, “Hindi ko rin alam if I can take it, ’cause I never really had to pa, ‘di ba? Dahil wala pa akong ex na artista. Pinagdaanan namin ‘yun isa-isa kasi mas may experience siya doon sa forte na ‘yun.”

Bandang huli, ibinunyag ng Kapuso actress ang sikreto nila ni Paul kung kaya lalong nagiging strong pa ang kanilang relasyon.

“Nandoon ‘yung inalagaan namin yung feeling na maging magkakampi kami kaya siguro masasabi ko, siya yung best partner na nakatapat ko in this lifetime so far at siya na ‘yung last, hopefully,” lahad ni Mikee sa interview.

Matatandaan taong 2022 nang umamin si Paul na nasa “dating status” sila ni Mikee.

Pero bago ‘yan ay naging usap-usapan ang dalawa matapos ibandera ang ilang pictures na tila magkasama sila sa iisang beach.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Una silang nagkatrabaho at nagkatambal sa TV show na “The Lost Recipe.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending