Jessica Soho hindi raw payag mag-guest si Vice Ganda sa ‘KMJS’?
NAPURI nang husto ni Nanay Cristy Fermin si Vice Ganda kaninang tanghali dahil sa pagpapasalamat nito sa TV5 matapos kupkupin ng network ang programa nilang “It’s Showtime.”
Saa programa niyang “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika na napapakinggan sa Radyo5 92.3 TRUE FM, sinabi ng batikang manunulat ang naging pahayag ng TV host at komedyante.
Bungad ng “CFM” host, “Gustung-gusto ko ‘yung sinabi ni Vice Ganda na nalungkot lang siya at wala siya kahit tampo o anumang galit dito sa TV5.
“Ang ganda-ganda no’n kasi ang pagbagsak no’n sa utang na loob. Real talk naman tayo pag tayo’y nawalan ng bahay kung sinuman ang tatanggap sa atin para magbigay ng espasyo na ating titirhan ang laki-laking bagay no’n. Dapat ipinagpapasalamat talaga ‘yun, di ba?
“At saka ‘yung pagtanggap sa katotohanan na hindi sa lahat ng panahon nanalo tayo. May mga pagkakataon talaga na gusto man natin na magtagumpay tayo hindi ayon sa atin ang panahon ganu’n talaga pero hindi ibig sabihin na katapusan na ng mundo,” sabi ni Nay Cristy.
View this post on Instagram
Nabanggit pa na sinabi ng “It’s Showtime” main host na hindi siya galit dahil usapan iyon ng dalawang TV network at nagkataong tapos na ang kontrata nila bukas sa TV5, Biyernes, Hulyo 1 at hindi na ito ni-renew ng Kapamilya network.
Samantala, mukhang hindi magkakaroon ng chance si Vice na mag-guest sa magazine program ng GMA 7 na “Kapuso Mo, Jessica Soho” sa GMA 7.
Nabanggit daw kasi ni Vice na gusto niyang mag-guest sa isa sa mga programa ng Kapuso Network.
Baka Bet Mo: ‘KMJS’ naglabas ng pahayag kaugnay sa ‘nakawan ng photocards’, nakiusap na tantanan ang pamilya ni ‘Bea’
“Siyempre naiisip ng mga tao kay Jessica Soho na gusto niyang mag-guest siguro magso-sorry siya dahil alam niyang may ginawa siyang hindi kagandahan noon,” sambit ni ‘Nay Cristy.
Matatandaang noong Mayo, 2013 ay ginawang biro ni Vice sa kanyang concert na “I-Vice Ganda Mo Ako” sa Araneta Coliseum ang respetadong journalist.
Sabi ni Vice, “Ang hirap nga lang kung si Jessica Soho magbo-bold. Kailangan gang rape lagi. Sasabihin ng rapist, ‘Ipasa ang lechon.’ Sasabihin naman ni Jessica, ‘Eh nasaan yung apple?’c
View this post on Instagram
Maraming kasamahan at kaibigan sa media ni Jessica ang pumuna sa birong ito ni Vice at hindi raw dapat ginagawang joke ang “rape.”
Pagkalipas ng ilang araw ay naglabas ng official statement si Jessica, “Rape is not a joke and should never be material for a comedy concert.”
Tinanong naman ni Ms. Cory Vidanes, COO ng ABS-CBN kung ano ang gustong mangyari ni Vice pagkatapos maglabas ng saloobin si Jessica.
Ani Vice, “Sa akin naman nagsimula, at may binitawan akong salita na naka-offend doon sa tao. Kung hihingi ako ng paumanhin, mas sinsero at mas mararamdaman niya ang sinseridad ko kapag sinabi ko sa kanya nang personal.”
Pero ayaw ng “KMJS” host na makipag-usap kay Vice.
Pagkalipas ng 10 taon ay heto at nagkaroon na ng collaboration ang ABS-CBM at GMA 7 dahil na rin sa kawalan ng prangkisa ng Kapamilya network.
At nabanggit ni Vice kay Ms. Cory na gusto niyang mag-guest sa isang programa na hindi pa binanggit kung ano at sabi’y ipagpapaalam raw ito sa management.
Negatibo raw ang sagot ni Jessica base sa make-up artist ng “KMJS” host, ang pahayag ni ‘Nay Cristy sa “CFM.”
Kuwento ni ‘Nay Cristy na sabi nga sa kanya ng kanilang source, “’I’m sure ‘Nay, Ms. Jessica Soho will decline. Pinsan ko ang make-up artist ni Ma’am Jessica, ayaw niya.’ Sabi ni Randy Balaguer (CFMer-s). Hayan dito ninyo na po narinig, ayaw ni Jessica Soho na mag-guest sa kanyang programa si Vice Ganda.”
Mukhang may mga aabangan ang madlang pipol sa isyung ito.
Bukas naman ang BANDERA sa magiging paliwanag ni Ms. Jessica at sa reaksyon ni Vice hinggil sa usaping ito.
Vice Ganda bet mag-guest sa isang show sa GMA 7, lalabas kaya sa ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’?
K-pop fans bad trip sa ‘KMJS’, natakot sa kanilang seguridad: ‘Not all photocards have a P50k value’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.