Rebelasyon ni Ricci Rivero sa chikang nag-live in sila ni Andrea Brillantes: ‘There are times that we do sleep together’

Rebelasyon ni Ricci Rivero sa chikang nag-live in sila ni Andrea Brillantes: 'There are times that we do sleep together'

Ricci Rivero at Andrea Brillantes

DIRETSAHANG inamin ng aktor at basketball player na si Ricci Rivero na nag-live in sila ng kanyang ex-girlfriend na si Andrea Brillantes.

Rebelasyon ni Ricci, alam at may basbas daw ng kanilang respective families ang naging desisyon nilang magsama together ngunit hindi naman daw ito naging permanente.

Sa second part ng interview kay Ricci ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, June 27, natanong siya nang diretsahan kung nag-live-in ba sila ni Andrea tulad ng mga naglabasang chika noong magkarelasyon pa sila.


Tugon ng binata, “From time to time we do, pero ang gusto ni Tita (nanay ni Andrea) is for her to go home din.

“At yun din naman ang sinasabi ko na ayoko rin na at this early age, (sinasabi ko sa kanya) ‘Gusto ko mag-focus ka din sa industry mo, sa work mo, sa goals mo. Ako, kailangan ko rin mag-focus du’n sa akin.’

“Pero there are times that we do sleep together,” pag-amin ni Ricci. Aniya, may mga pagkakataon na umuuwi siya sa bahay ni Andrea at kung minsan ay ang dalaga naman ang umuuwi sa condo niya.

Baka Bet Mo: Paul Salas sa naging relasyon nila noon ni Barbie Imperial: Ngayon lang po nawala yung pagiging bitter ko sa kanya

Sunod na question ni Tito Boy kung ano sa tingin niya ang mararamdaman ni Andrea sa pagsasalita niya on national television upang ipagtanggol ang sarili at protektahan ang kanyag pamilya laban sa mga bashers at haters.


“Knowing her, malulungkot. I am hoping na hindi siya magalit. Kasi, I am just stating naman yung side ko. Yung totoong nangyari sa side ko.

“Kasi ang naririnig lately sa ibang shows or whatsoever, yung side niya. Yung akin, tina-try ko talaga na hindi magsalita dahil yun naman ang usapan namin.

“I am trying talaga, pero sobra na talaga siguro para sa family ko,” paliwanag ni Ricci.

At sa tanong ni Tito Boy na, “Did you try to win her back?” Ani Ricci, “No. For the longest time, I was trying not to give up on the relationship, and sabi ko, for me to give up, siguro sobrang puno na.”

Andrea Brillantes, Ricci Rivero nagpapakasaya sa kanilang ‘Siargao date’, bashers tuloy ang pangnenega

True ba, laging si Andrea Brillantes ang nagbabayad sa date nila ni Ricci Rivero?

Read more...